Advertisers
SA isang kisap-mata, binago ko ang lahat ng sinulat ko para sa kolum ko nang nasaksihan ko ang campaign rally noong Biyernes sa Bacolod City para kay Leni Robredo. Imbes na itutuloy ko ang isinusulat ko hinggil sa pinagmulan ng nanay ni Marcos Jr., na ipinapangako kong ilalabas sa susunod na isyu, ang tungkol sa rali sa Bacolod ang isinulat ko. Bakit ko ginawa yon?
Nagpasya ang inyong abang-lingkod na isapantaha ang kaganapan na masasaksihan natin. Anong klaseng gayuma ang ibinigay sa mga “Pinklawan” at nagawa nilang punuin ng mahigit sa 70,000 na katao ang Paglaum Sports Complex. Ano ang nag-udyok sa marami sa kanila ang maglakad na lang matapos mawalan ng sasakyan?
Hindi nabayaran ang mga dumalo sa mga rali ni Leni. Kabaligtaran ito ng paratang ni Boying Remulla. Hindi karamihan sa mahigit 47,000 na dumalo sa campaign rally nila sa Gen. Trias, Cavite ay kasapi sa NPA. Hindi mga NPA ang 70,000 na dumalo sa Bacolod City dahil ito’y nangangahulugan na higit sa buong hukbo ng NPA ang nagsuot ng kalimbahin, tumulong sa pagbuo ng entablado, nagsuplay ng ilaw at audio equipment, naghanda ng mga kwelang karatula, at mga maliliit na parol na may pailaw na nagbigay-liwanag sa dilim. Pasensya na Mr. Ping Lacson, kahit tumatakbo kayo sa pagkapangulo, hindi tugma sa matematika. Hindi akma sa tamang pag-iisip ko na paniwalain ang pakawala ninyong mga “conspiracy theory”.
Simple ang sapantaha ko. Hindi kailangan na pigilan ng Ceres ang pagpasada ng kanilang mga bus pa-Bacolod. Ang mga ang tao ay nakisakay, gumawa ng hakbang para marating ang Paglaum. Marami ang naglakad.
Nakasusulasok ang taongbayan sa pulitika. Hindi nila gusto ang mga pulitiko na ang trato sa posisyon ay mistulang isang kaharian kung saan ang naluklok ay nagpaparang hari, at kung tratuhin ang madla na parang mga baka. Sawa na sila sa gawain patabain sa umpisa, pero sa kalaunan gatasan at pagkukunan ng menudensya. Sukang-suka na sila pulitikang tradisyonal, sa “trapo” sa kolokyal.
Kung bayaran, na paratang ni Mr. Remulla, ay nagpapara silang bayaran na pagkukunan ng panandliang aliw. Sawa na ang tao na tratuhin na parang puta. Ayaw nila sa ganitong klase ng pulitika. Yung ginagawang “family business” ang posisyon, kung saan iisa ang mukha, iisang pamilya ang namumuno, matapos ang napakahabang panahon. Kumbaga sa pulos adobo ang pinakakain araw-araw nasuya at nagpasya na subukan ang iba. Gumawa ng paraan ang madla.
Ayon sa tagapagsalita ni VP Robredo si Atty. Barry Gutierrez sa pakikipagpanayam niya sa DZXL: “Yung pagpunta doon sa mga venue, talagang ‘yung mga tao ay naglalakad, talagang sila ang nagkukusang magpunta diyan. Walang kahakot-hakot sa mga rally na ito.” Dagdag pa ni Atty Barry: “Ang hirap kasi sa ibang mga politiko, siguro nakagawian na nila na doon sa mga rally nila talagang hakot ang kailangan nilang gawin para magpakatao. So iniisip nila, ‘yun lang ang tanging paraan para magkaroon ng tao sa isang political rally.”
Opo. Sampal po ito sa mukha ni Mr. Remulla, at lahat ng tumataguyod sa kanyang uri ng pulitika. ‘Eka ni John Arcilla sa pelikulang Heneral Luna parang matatamis na salitang namumutawi sa bibig ng isang puta. Siguro nga masasabi natin ang Pilipino natuto na magpasya gamit ang sariling pag-iisip. Ayaw na sa pagsusuyong walang laman dahil ayaw nilang maisantabi na parang basahan, o isang nasamsaman ng bango at iniwan lamang na luhaan.
Alam nila ang dapat piliin na susunod na pangulo ay may tangan na plano., may plataporma, may agenda. Madali magbitaw ng pangako, pero ito ay walang saysay kung ito ay hindi totohanin. Iyan ang nais ng taumbayan. At kahit palakarin ng malayo, ito ay patunay na dumaan dumaan sila sa masusing pagninilay. Darating sila upang makinig at manood sa napupusuan nilang banda. Dahil buo na ang kanilang pasya.
At kahit punitin ang mga tarp at campaign paraphernalia sa loob ng kanilang bakuran, kahit ipatigil ng mga operator tulad ni Olivia Yanson ang biyahe ng pampublikong sasakyan, maglalakad pa rin ang tao para makarating sa Paglaum. Hindi na kailangan ng iba para panggatong o magsilbing sangkap para mabuo ang kanilang mga pasya. Tatayo silang matuwid at matatag. Ang kailangan lang nila ay tamang gabay na titimon sa kanila sa tamang daan.
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Piling Salita: “I thank the Supreme Court (SC) for issuing a TRO on COMELEC’s Oplan Baklas under COMELEC Resolution No. 10730 in so far as they affect election materials privately owned, funded and produced by volunteers and private citizens posted and/or installed within their private properties. I also laud the lawyers who volunteered to challenge the COMELEC Resolution to ensure that the rights of our countrymen who wish to participate in the national conversation during the elections are not unduly impaired.” – Leila de Lima
“Actually, the Philippines does democracy well during elections. Loud, contentious, a mix of platform and politics. Colorful. The only question is whether or not voters have the information, insights, and local freedom to vote for progress rather than poverty.” – Joe America
“THOSE big crowds in Leni’s rallies are amazing. They reflect the irreversible groundswell of support for her presidential run. BBM could not match even if he keeps on paying those hakot crowds. Leni’s big crowds reflect the modern version of People Power. BBM can’t cheat. No way. Subukan niya at malaking gulo iyan. Maigi na ang malinaw …” – PHILIP LUSTRE JR.
“‘The Church is biased in favor of of righteousness, in favor of goodness, in favor of holiness.”- Archbishop Socrates Villegas
“I don’t have any other message than don’t forget you are alive” – Joe Strummer
“It’s okay if you have enemies. The one who speaks the truth has plenty of enemies.” – Jose Camano
“Sa Bacolod ang maskara nakangiti hindi nakangiwi…” – Tagapagmulat