Advertisers
USONG-USO talaga ngayon ang mga ‘negatrons’ at mararamot, mga feeling entitled.
Tulad ni Negastar Sharon na asawa ni Mr. Kiko Cuneta, aba, kinastigo si Atty. Sal Panelo, kasi wala raw permiso niya na kantahin ang “Sana Wala Nang Wakas” na kuno raw ay isang klasikang kanta, huh?
Bintang ni Negatron Sharon, pang-Nanay Lu raw lang ang kanta niya at hindi sa ibang kalaban nila sa politika, taray!
Pangaralan mo nga Mang Kiko ang misis mo, kasi, kantora (singer) lang siya, at for your info, may permiso ng Viva Records at sa may-ari ng recording studio si Atty. Panelo na kantahin iyon, bilang pag-aalaala sa namatay niyang anak.
Aba, kung ganyang ‘kasakim’ ang misis mo, Mang Kiko, aba kung manalo ka, kawawa ang bansa na may bise presidenteng ang asawa ay “maramot.”
Kaya ang inyong lingkod, si ‘Vice President Willie Ong’ na lang ang kakampihan ko, kasi, mapagkawanggawa na, libre pa kung magserbisyo sa pagbibigay ng medical tips sa publiko.
At Negatron, ‘we’ – the Filipino people – ang tunay na may-ari ng mga kanta mo, kasi kung hindi tinangkilik ang mga songs mo, wala ka at matagal ka nang laos.
***
Akalain mo, parang may ‘dilang-anghel’ si Yorme Kois, kasi five months ago, nagsabi siya na dapat nang bawasan ng 50 percent ang produktong petrolyo at elektrsidad.
Kasi nga, sobrang taas ng presyo niyon, at eto na nga, sa Russo-Ukraine conflict nadamay tayo kahit ayaw natin.
Baka pag di natigil ang giyera, umabot na sa mahigit P100/liter ng gasoline at ano ang epekto nito: lahat ay tataas ang presyo na hindi na maaabot ng karaniwang obrero, e lalo na yung mga tambay sa kanto, ano ang gagawin nila para mabuhay?
Iba talagang mag-isip si Yorme Isko, may vision na, mabilis pang umaksiyon.
***
Hoy, di biro ang P203-bilyon na utang ng mga Marcos, huh, na ewan ko ba, sa dami ng kanilang yaman, ayaw magbayad ng utang sa pamahalaan.
Kasi po, dear readers, ayon sa BIR, hindi nag-file ng estate taxes sina Madam Imelda, Sen. Imee, Irene at Bongbong sa naiwang ari-arian ng namatay na dating Pres. Ferdinand Marcos.
Aba, tungkulin nila, bilang mabuting mamamayan na magbayad ng estate tax, kaso, ayaw at eto, after 32 years, matitigas ang ulo na ayaw magbayad ng buwis sa gobyerno.
Paano kung si BBM ang manalong presidente – lista na lang sa tubig ang utang nila sa madlang Filipino people.
E, pag karaniwang tao ang nagkautang, demanda, multa at kulong agad, pero sila, eto, tumatakbo pa at nagmamatigas sa pagtangging magbayad.
***
P203-bilyon is a lot of money, mga kapatid at hindi puwedeng ilista sa tubig, kasi pwedeng gastusin na pang-ayuda sa mamamayang Pilipino.
Na ito ang pangako ni Yorme Isko, kung siya ang manalo sa eleksiyon – na sana nga ay mangyari.
Plano ni yorme Isko na ipamigay iyon, kasi, pera rin iyon ng taumbayan at dapat lang na mapakinabangan, ngayon pa na may krisis tayo sa kabuhayan.
Aba, ang daming mapapakain niyon, ang daming malilikhang trabaho at iba pang ayuda sa mahihirap kung masisingil ang kabuuang utang na P203.819 bilyon ng mga Marcos.
Pag hindi nagbayad ang mga Marcos, aba, totoo nga ang paratang sa kanila na sila ay ano: mga balasubas!
“Abuse of power” ito at kawalan ng respeto” sa taumbayan na gusto raw paglingkuran ni Bongbong Marcos kaya nais maging presidente.
Ang ganito bang tao e dapat na iboto at tularan?
Ang ayaw magbayad ng utang e ano ang tawag ni Mang Juan?
Estapador, bastos at balasubas!
Aray ko!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.