Advertisers

Advertisers

2 Pinay biktima ng ‘hate crime’ sa New York

0 297

Advertisers

PINAG-IINGAT ng Philippine Consulate General sa New York ang Filipino community matapos ang shoving incidents na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang Pinay kamakailan.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Consulate sa pinakahuling insidente na sinundan ng kahalintulad na pag-atake sa iba pang miyembro ng Asian-American Community mula nang magsimula ang taon.

“The recent spate of attacks against Filipinos and other Asian-Americans, whether triggered by racial bias or mental illness, is a serious concern that must be immediately addressed,” ayon kay Consul General Elmer Cato.



Araw ng Huwebes, isang Filipina na nasa late 50s, ang naglalakad gamit ang kanyang tungkod at mayroong malabong paningin ang itinulak paibaba ng hagdan ng isang hindi nakilalang lalaki sa 179th Street Station ng subway’s F Train sa kalapit na lugar ng Jamaica sa Queens.

Sa parehong araw, isa pang Filipina ang nasa mid-60s ang itinulak ng hindi nakilalang lalaki sa Long Island Rail Road train platform, nasa Jamaica rin, dahilan upang tumama ang kanyang mukha sa sahig at mabasag ang kanyang salamin.