Advertisers

Advertisers

500K BAGO, LIGTAS NA BASYO NG LPG, ILALABAS SA MERKADO

0 1,744

Advertisers

Nagsagawa ang Department of Energy (DOE) ng pag-inspeksiyon sa mga liquefied petroleum gas (LPG) refilling plant sa Metro Manila kamakailan bilang pagtalima sa Republic Act 11592 o ang “LPG Industry Regulation Act” na isang batas na naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng mga Pinoy consumer sa paggamit ng LPG.

Isa ang DOE sa mga implementing agency alinsunod na rin sa nasabing batas.

Kabilang sa mga nainspeksiyon ng DOE ang LPG refilling plant sa Sucat, Parañaque ng Republic Gas Corporation (REGASCO) na pumasa sa mga pamantayang pangkaligtasan na nakasaad sa batas.



Ayon sa pamunuan ng REGASCO, 500,000 na bago at ligtas na basyo ng LPG ang kanilang ipapagawa sa susunod na dalawang taon upang mapalitan ang lahat ng mababang kalidad na basyo na umiikot sa kasalukuyan sa iba’t ibang refilling stations sa bansa. Nakuha na nito ang paunang 10,000 bagong basyo mula sa LPG cylinder manufacturer na Ferrotech.

Ang naging hakbang ng kompanya ay parte ng kanilang LPG Cylinders Improvement Program na naglalayong mapalitan ang anim na milyong substandard na mga basyo na nasa merkado sa ngayon at bilang commitment ng LPGMA Party-list sa pagtataguyod ng LPG Law.

Ang LPGMA Party-list, sa pamumuno ni Congressman Allan Ty, ang nag-akda at nagsulong ng panukala hanggang sa maisabatas ito noong 2021.

Layon ng batas na ito na mapalakas ang kapangyarihan ng pulis at iba pang ahensiya ng gobyerno na mahuli at maparusahan ang mga nagbebenta ng mga peke, depektibo, at mababang kalidad na LPG.

Sa bisa ng batas, naging aktibo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine National Police (PNP), at mga Intelligence Group ng pulis sa pagtugis sa mga illegal dealer at operator. Dahil dito ay maraming raid na ang naisagawa sa mga lugar sa Malabon, Bulacan, at Pampanga kung saan naipasara ang ilang bogus na kompanya at naipakulong ang mga illegal dealer at operator.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">