Advertisers

Advertisers

BBM wala pang pahayag kung dadalo sa Comelec debate

0 429

Advertisers

NAGKUMPIRMA na ang siyam sa sampung kandidato sa pagkapangulo na dadalo sa debateng ikinasa ng Commission on Elections, maliban na lang kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay kahit pinayuhan na siya ng kapatid na si Senadora Imee Marcos na dumalo sa mga debate upang mapatunayan nito na hindi siya duwag.

Sa kabila ng payo ng kapatid, wala pa ring imik ang kampo ni Marcos kung dadalo nga ito o hindi.



Una nang nag-trending ang #MarcosDuwag matapos itong umatras sa ilang debate.

Ayon sa netizens, patunay lang ito na duwag talaga itong si Marcos at walang malinaw na plano para sa bansa at sa mga Pilipino.

Kantiyaw pa ng netizens, paano haharapin ni Marcos ang mabibigat problema ng bansa kung sa debate pa lang ay umaatras na ito.