Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER busy si Bea Alonzo sa dami ng kanyang commitments pero sa kabila nito ay pinananatili niya na maging open ang communications sa kanyang mga supporters via her vlogsite.
She takes time to make new contents and answers as many as possible sa mga komento whether good or bad.
Marami ringTV commercial na ginawa si Bea lately at isa na rito ang pagiging product endorser ng isang tuna product. Kasama si Alden Richards ay nag-ose sila for pictorial na Alden ay naka short lang samantalang si Bea ay naka black bra top at cycling short na pambaba.
Sexy sporty ang datingan ng dalawa. May isang basher na nagkomento sa naturang pictorial/video at nagsasabing
“Isn’t it too late for you to be doing this endorsement? Watching it you’re old to be a model for this commercial, may kulubot ka na.”
Kahit nega ang komento ay hindi ito pinalagpas ni Bea at sinagot niya ito.
“I’m 34 and I’m about to turn 35 and I’m proud of it and I take care of myself as much as I can, I exercise, I eat healthy and I think proud ako sa itsura ko at 34 years old. And kinuha ako ng certain brand that is actually very flattering for me kasi di ko naman pinipilit sarili ko para kunin ako so I’m proud of it.”
At sa huli ay may pahabol pang komento si Bea, “Stop shaming people for their age. It’s 2022.”
Sabi nga sa Eat Bulaga: Bawal ang judgemental!
***
SA pagsasara ng taong 2021 ay may pinalabas pang pelikula ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela, ang ‘Huling Araw sa Tag-Araw’ pero sa pagpasok ng taong 2022 ay kapuna-puna ang paunting pagsasama ng dalawa sa mga TV guesting and show sa GMA-7.
Marami tuloy ang nagsasabing tila ‘kinakatay’ na ang tambalan ng dalawa, tulad na rin daw ng ‘pagkatay’ sa tambalang Gabbi Garcia at Ruru Madrid.
Sa ngayon kasi ay kapwa busy ang dalawa sa promo ng kanya-kanyang project, si Ken sa mini-series ng Mano Po, ang “Mano Po: Her Big Boss” katambal si Bianca Umali, samantalang si Rita naman ay busy rin sa bago niyang movie kasama sina Jak Roberto at Albie Casino, sa direksyon ni Joel Lamangan ang “Madawag ang Landas Patungong Pag-asa”.
Goodbye na nga kaya sa tambalang Rita at Ken?
“Aware naman kami bago pa namin gawin ’yong last teleserye namin na ‘Ang Dalawang Ikaw’ and na-inform kami ni Rita ahead of time,” paunang say ni Ken.
“So, prepared kami. Hindi kami nabigla, hindi kami nagulat sa mga nangyari kasi talagang alam na namin kung ano ’yong magiging takbo ng career namin ni Rita dahil na-explain na sa amin.
We’re very happy para sa isa’t isa. Happy ako na nakagawa s’ya ng mga project kahit wala ako and ganu’n din s’ya sa akin,” pahayag pa rin ni Ken.