Advertisers

Advertisers

Iboto ang itutuloy ang Duterte programs – Sen. Bong Go

0 335

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga botante na piliin ang mga kandidato na itutuloy ang mga magagandang programa at polisiya ng administrasyong-Duterte sa darating na eleksyon.

“Yung pinakamalapit na makakapagpatuloy ng programa ni Pangulong Duterte, yun po ang hinihiling ko na iluklok n’yo po at pag-isipan n’yong mabuti kung sino ang makakatulong sa inyo (at) makakapagserbisyo sa inyo,” wika ni Go.

“Ako naman po personally, kung sino po ang makapagpapatuloy ng mga pagbabago at magagandang programa ni Pangulong Duterte, ipagpatuloy n’yo lang po… Ipagpatuloy n’yo lang ang magagandang programa, yung Build Build Build, yung sa health natin, yung sa Malasakit (Centers)… Yung sa tingin n’yo ay makakatulong sa ating mga kababayan, kapag ikaw nanalo, ipagpatuloy mo lang,” punto ng senador.



Magin ang pagpapabuti rin aniya ng public healthcare system sa bansa.

“Ipinagpapatuloy ko pa rin ang mga pagsisikap para mapalakas lalo ang ating healthcare system sa buong bansa,” ani Go.

Gayunman, sinabi rin ni Go na hindi niya alam kung sinong presidentiable ang ieendorso ni Pangulong Duterte, kung mayroon man.

“Wala naman siyang sinasabi. Antayin na lang po natin ang Pangulo kung meron na s’yang napupusuan,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">