Advertisers

Advertisers

Iligal na ‘mini-casino’ nina ‘Jess’ at ‘Jun’ sa Taytay, aprub kay Mayor Joric Gacula?

0 484

Advertisers

HINDI ko masisisi ang mga residente sa Taytay kung isipin at sabihing aprubado ni Mayor Joric Gacula ang lahat ng iligal na pasugalan sa Taytay dahil lantaran at garapalang nagaganap at namamayagpag sa mga pampublikong lugar sa bayan.

Kung tutol at ayaw ni Gacula sa illegal gambling dahil ipinagbabawal ito ng batas ay pihadong ipatitigil niya ito.

O, baka naman hindi alam ni Gacula na talamak ang mga iligal na sugal sa Taytay tulad ng color games at drop ball?



Pokaragat naman, ang tagal nang alkalde ni Joric Gacula sa Taytay!

Katunayan, muling tumatakbo si Gacula sa parehong posisyon sa magaganap na halalsn sa Mayo 9.

Ayon sa impormasyong nakalap ng BIGWAS! na ilan sa mga malalakas na opereytor ng color game at drop ball ay sina alyas “Jess” at alyas “Jun”.

Ang iligal na pasugalan ni alyas Jess ay matatagpuan sa Barangay Muzon.

Nakapuwesto ito malapit mismo sa barangay hall ng Barangay Muzon.



Pokaragat na ‘yan!

Ang puwesto naman ni alyas Jun ay matatagpuan sa Bulacan Street.

Maliban kina alyas Jess at alyas Jun, ang isa pang nagpapasugal ay si alyas “Cris” na ang puwesto ay makikita sa tulay.

Walangg dudang iligal , sapagkat labag sa batas ang color game at drop ball nina alyas Jess, alyas Jun at alyas Cris, ngunit nakapagtatakang hindi ginagalaw at hindi ipinatitigil ng pulisya ng Taytay.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi kaya totoo ang impoemasyong nakarating sa BIGWAS! na mayroong tumatanggap na opisyal sa pulisyang Taytay, maliban sa opisyal sa munisipyo?

Kung hindi totoo ang mga impormasyong ipinarating sa BIGWAS! , nararapat at obligadong kumilos si Mayor Joric Gacula laban sa mga iligal na mini-casino nina alyas Jess at alyas Jun.

Isama na rin ang puwesto ni alyas Cris sa Tulay.