Advertisers

Advertisers

ISKO, MAINIT NA TINANGGAP SA BALWARTE NG PINKLAWAN!

0 427

Advertisers

TUWANG-TUWA at halos maiyak sa kagalakan si Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa napakainit na pagtanggap ng mga mamamayan ng Sorsogon sa kanilang kampanya sa lalawigan kahapon, Marso 14.

Kahit kilalang balwarte ng mga pinklawan ay ipinakita ng mga mamamayan nito ang kanilang matamis na suporta nang lumabas ang mga ito para salubungin ang motorcade ni Yorme Isko, katiket na bise presidente Dic Willie Ong, mga kandidatong senador Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison, at dating Agrarian Secretary Bro. John Castriciones.

Sa ambush interview, matapos ang town hall meeting sa Sorsogon Provincial Gymnasium ay taimtim na nagpasalamat si Yorme Isko kay Gov. Chiz Escudero at sa mga lokal na opisyales nito sa mainit na pagtanggap sa kanila at ng mamamayan ng lalawigan.



Nag-umpisa ang motorcade ng Team Isko-Doc Willie sa Sorsogon Coastal Road sa Talisay at nagtapos sa Kapitolyo.

Habang nasa motorcade ay panay ang sigaw ng mga nakaabang na residente ng “Yorme, two joints,” at ang mga senyales sa kamay na “God First” ng Aksyon Demokratiko.

“Masayang-masaya kami sa mainit nyong pagtanggap sa amin, at sa totoo lang kailangang-kailangan namin ang suporta nyong lahat,” sabi ni Yorme Isko.

Muling inulit ni Yorme Isko, “kung siya ay bibigyan ng pagkakataon sa awa ng Diyos, ang unang 2 dalawang taon ng kanyang pamamahala ay kanya munang tutukan ang buhay at kabuhayan ng mamamayang Pilipino, at kanyang babawasan ng 50 porsiyento ang excise tax ng mga produktong langis at ng koryente para ma-address yung pagtaas ng petrolyo at presyo ng kuryente,” sabi ni Yorme Isko.(BP)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">