Advertisers
KUWALIPIKADO sina Kim Mangrobang at Fer Casares para sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama sa Hulyo matapos mapuwesto sa third at sixth sa 2022 Asian Duathlon Championship sa Bahrain nitong weekend.
Si Mangrobang may oras na 2 hours, 12 minutes at 29 seconds para masungkit ang bronze medal sa likuran ni Netherlands Karin Karin Nieuwenhuijsen (2:09:57) at Australia’s Aleisha Wesley (2:11:42).
Habang si Casares, may tiyempong 1;53;49 – sa likuran ng eventual winner Ayan Beisenbayev ng Kazakhstan (1:52:48).
Dikdikan ang laban hanggang sa finish line sa Elite Men na si Samuel Mileham ay nagtapos second 1;52;49, Thomas Cremers ng Netherlands sa third ( 1;53;17) Moussa Karich ng Bahrain sa fourth ( 1;53;31) at Matt Smith ng Australia sa fifth (1;53;47).
Ang World Games na nasa 11th edition, ay multisport event para sa sports, disciplines at events ay hindi kasama sa Olympics.
Ang Duathlon ay ilan sa 30 sports na kabilang sa edition ngayon taon.