Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “ … Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin…” (Roma 8:28, Ang Tanging Daan Bibliya).
-ooo-
PAGKILOS NG GOBYERNO LABAN SA DIUMANO AY SABWATANG LENI-KIKO AT MGA MAKA-KALIWA, HINIHILING NG MGA NETIZENS: Kailangang kumilos ang pamahalaang Duterte upang labanan ang binabanggit ng Pangulong Duterte na sabwatan diumano ng Leni-Kiko team sa mga lokal na komunista at isa pang grupo na ang layunin ay pabagsakin ang demokratikong sistema sa Pilipinas.
Ito ang nagiging mainit na panawagan ngayon ng maraming netizens na tumatawag sa Kakampi Mo Ang Batas mula noong lumabas sa mga balita ang sinasabing pakikipag-sabwatan nga diumano nina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan.
Hinihingi ng mga netizens na kinabibilangan ng ilang mga pulis at mga sundalo na huwag masisiyahan ang Pangulo, at maging sina presidential candidate at Senador Ping Lacson at Cavite Congressman Boying Remulla, na maihayag lamang sa publiko ang kanilang akusasyon laban kay Leni at Kiko sa kanilang ugnayan sa mga grupong ang layon ay agawin ang pamumuno ng bansa sa pamamagitan ng armadong pag-aaklas.
Magsulong dapat sina Duterte, Lacson, at Remulla, at ang iba pang mga tumututol sa pagsasanib-puwersa ng Leni-Kiko camp at ng sinasabing Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front, ng mga sapat na pagkilos upang pigilan ang sabwatang ito.
-ooo-
COALITION GOV’T NG LENI-KIKO TANDEM AT MGA LOKAL NA KOMUNISTA, PINANGANGAMBAHAN, PERO LENI TUMANGGING MAY KASUNDUAN TUNGKOL DITO: Kung sinasabi ng Pangulo, ni Lacson, at ni Remulla, na nakakatakot ang magiging bunga ng pagsasanib-puwersang ito lalo na kung mananalo si Leni at Kiko sa Mayo dahil magkakaroon ng coalition government sa bansa, marapat na mayroon silang kontra pagkilos upang ito ay masawata, ayon sa mga netizens.
Sinasabi ng marami na ang pakikipag-kooperasyon ng Leni-Kiko camp sa mga komunista ay magbubukas ng oportunidad upang maagaw ng mga komunista ang pamumuno sa Pilipinas, at alisin ang gobyernong demokratiko.
Sinasabi din ng maraming netizens na sa ngayon, dahil sa pahintulot ng Cory Aquino government sa pagpasok ng mga maka-kaliwang grupo sa pamumuno sa Kamara De Representantes sa pamamagitan ng party list system of representation, nasa larangan na ng paggawa ng batas ang mga komunista.
-ooo-
MATAPOS MAPASOK NG MGA MAKA-KALIWA ANG LEHISLATURA, MALACANANG NAMAN ANG KANILANG PINUPUNTIRYA? Hindi malayong ang kanilang sinisilip sa ngayon upang mapasok ay ang Malacanang o ang Office of the President, dagdag pa ng netizens. Nananawagan ang marami na kailangan ng isa-publiko ng gobyernong Duterte ang sinasabi nitong intelligence report upang mabigyan ng kaalaman ang sambayanan sa katotohanan—o sa kasinungalingan— ng mga ulat sa nasabing sabwatan.
Dapat itong maremedyuhan upang mabuwag na ng tuluyan ang party list system, dahil hindi naman ang mga mahihirap na Pilipino ang ganap na nakikinabang dito. Hindi naman malayong ang kanilang sinisilip sa ngayon upang mapasok ay ang Malacanang o ang Office of the President, dagdag pa ng netizens.
Nananawagan ang marami na kailangan ng isa-publiko ng gobyernong duterte ang sinasabi nitong intelligence report upang mabigyan ng kaalaman ang sambayanan sa katotohanan—o sa kasinungalingan— ng mga ulat sa nasabing sabwatan.
-ooo-
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com (Kakampi Mo Ang Batas), Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network.