Advertisers

Advertisers

Mayor Joy Belmonte ng QC, inutil sa mga iligal na pasugal ni Perry Kabayo

0 574

Advertisers

HINDI lamang pala mga residente ng Quezon City ang nagrereklamo sa pagiging inutil nitong si Mayor Joy Belmonte at maging ng tanggapan ni QCPD Director, Brig. Gen. Remus Balingasa Medina laban sa nagkalat na pasugal nitong si PERRY MUKHANG KABAYO at alyas TISAY TALANDI!

Maging ang mga legit operators ng mga lotto outlets sa Quezon City ay apektado na rin sa kanilang arawang kita dahil kinakain ang kanilang lehitibong “revenues” ng mga bookies ni PERRY MUKHANG KABAYO at nitong si TISAY nga.

Modus operandi ng mga tauhan ng hindot na si PERRY KABAYO ay bigyan ng mga pekeng PCSO IDs ang kanilang mga kolektor sa bookies ng PERYANG BAYAN, jueteng (lotteng) at EZ2.



Laganap po sa buong siyudad ni Mayora Joy ang mga pasugal na ito ng mamang mukhang kabayo na si PERRY at kasosyo niyang si TT as in TISAY T.

Mula sa hurisdiksyon ng QCPD Station 1 hanggang Station 11 ay nakasabog at malayang nakakapag-operate ang gambling empire ni PERRY KABAYO na kumpareng putik umano ng mga tigasing angkan ng mga Belmonte.

Mistulang “flower bases” lamang ang mga kapulisan ng QCPD at maging si General Medina at mga tauhan nito.

Kung “bayag” itong si Gen. Medina, patunayan niya sa mga residente ng Quezon City na kaya niyang hulihin ang mga iligal na pasugal nitong si PERRY MUKHA KABAYO na nakatungtong na parang pindehong BANGAW sa mga BELMONTE.

FYI Gen. Medina sir, eto pa ang mga pulis mo cum kolektor ng payola na kumukubra ng regular mula sa kupal na si PERRY KABAYO na gamit ang pangalan at opisina mo; NARLIE at VHER ng Station 3 & 4 dyan sa area ng Baesa, Sangaandaan hanggang Novaliches proper; alyas BOBBY ng Station 6; JOJO ng Station 7 sa Cubao area;DANTE ng Station 10 sa Kamuning ; GREGSON at NANETTE sa Station 11; DODONG sa Station 2 at JOMAR at BOKNOY naman sa Station 1 dyan sa parte ng La Loma.



Di pa raw po kasama dyan Gen. Medina ang mga kolektor ng bawat tanggapan na naririryan mismo sa Camp Karingal.

Hindi po nating naising na “mangalabit at makapasok” sa network ng mukahang kabayong si PERRY. Ang gusto lamang po nating patunayan dito, marami palang mga patabaing baboy na puliitiko at kapulisan ang PINALALAMON nitong si PERRY KABAYO.

I just sincerely hope Gen. Medina na hindi ka kasama sa mga walang dignidad na mga taong ito.

Hindi na bale pong NABUBUKULAN Gen. Medina sir, kesa naman direktang NAKIKINABANG!

Right sir?

PARTING SHOT:

Sa sususnod, palalamunin natin ng mura ang binansagang MA BAKER ng Calabarzon (Region 4A) na si BABY PANGANIBAN, ang “well connected at well protected gambling queen” ng Southern Luzon.

Nasa payola umano ni BABY P. ang mga patabaing baboy mula sa hanay ng PNP at media.

Lalo na itong amoy lupang si TATA JONG na sa halip na hagilapin at hulihin ay pagprotekta sa “gambling empire “ ni BABY P. a.k.a MA BAKER ang pinagkakaabalahan at main opisyo.

Tumatanda nang walang pinagkakatandaan!
Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com