Advertisers

Advertisers

Pag-arangkada ni Leni inulan ng fake news

0 30,546

Advertisers

MATAPOS lumabas ang pangunguna sa ‘di bayarang survey at kakitaan ng hindi mahulugan ng karayom na mga rali ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, inulan ng fake news mula sa trolls ng mga kalaban ang “sunod na pangulo ng Pilipinas”.

Ikinalat sa social media ng trolls at maging ng mga kaibigang mainstream media ng mga kalaban ni Leni na ang Bise Presidente ay nakipag-alyansa sa mga komunistang NPA. Naging asawa raw si Leni ng NPA bago napangasawa ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo. Bobo raw si Leni at kung anu-ano pang malalaswang salita.

Maging ang kilalang beteranong mamamahayag na si Tiglao ay nagsulat na nakipag-alyansa si Leni sa kumunistang grupo.



Si Tiglao ay hayagang nagsusulat pabor sa mahigpit na katunggali ni Leni na si Bongbong Marcos, Jr.

Maging ang presidential aspirant na si Senador “Ping” Lacson ay nag-anunsyo na nakipagsanib-puwersa si Leni sa mga komunista.

Pati si outgoing President Rody Duterte ay nagpahayag tungkol sa Leni-NPA alliance.

Pero ang AFP at PNP intelligence ay walang pahayag na nagkaroon ng alyansa ang kampo ni Robredo at CPP-NPA-NDF.

Kaya tinawanan lamang ni Leni ang mga “demolition” ng kanyang mga kalaban.



Hinamon naman ng kaalyadong senatoriable ni Leni na si Antonio Trillanes ang kampo ni Lacson at si Duterte na maglabas ng ebidensya na magpapatunay na nakipag-alyansa o may komunista sa kampo nila ni Robredo.

“Kung kayo’y nag-aakusa, dapat may ebidensya. Kung walang ebidensiya, fake news yan, paninira lang. Panik n sila dahil hindi na mapipigilan ang pagiging presidente ni Robredo,” sabi ni Trillanes. “Gising na ang taumbayan, hindi na nila kayang lokohin pa.”

Sinasabi ng trolls na kaya dinudumog ng mga tao ang rali ng Leni-Kiko ticket ay dahil nagbabayad daw ito ng P500 kada tao.

Sagot ng kakampinks: “Hindi kami bayaran. Kusa kaming pumupunta sa rali para suportahan si Leni dahil naniniwala kaming magiging mabuting Presidente siya.”

Ang mga rali ng Leni-Kiko tandem sa iba’t ibang lalawigan, maging sa balwarte ng kalaban, ay dinadagsa ng mga naka-pink na mamamayan, umulan man o matindi ang sikat ng araw.

Samantalang ang rali ng Bongbong-Sara UniTeam ay madalas makansela dahil “walang tao” o kaya’y “umuulan” daw.

Sa latest report ng isa sa pinakamalaking pahayagan sa bansa na Philippine Star, inilabas nito ang malaki nang lamang ni Leni sa survey nationwide laban sa dating nangungunang si Marcos Jr.

Si Leni ay landslide din sa survey ng Simbahang Katoliko at mga koliheyo.

Dahil sa mga pangyayaring ito, naglipatan na kay Leni ang mga gobernador at kongresista ng malalaking probinsiya tulad ng Bulacan, Tarlac, Samar, Isabela, Albay, Cavite, Surigao at marami pa…

Balitang lilipat narin sa kampo ni Leni ang gobernador ng Laguna, ang lalawigan na may pinakamalaking boto.

Sinabi naman ng Leni-Kiko tandem na bukas sila sa lahat para sa pagkakaisa para sa bansa.

Ang slogan ng Leni-Kiko tandem ay: “Gobyernong tapat, angat ang buhay ng lahat.”

Say nyo, repapips? Sa tama tayo, ‘di sa magnanakaw!