Advertisers

Advertisers

’Red-tagging,’ pakana ng mga natatakot sa lumalakas na suporta kay Leni

0 384

Advertisers

Nararamdaman na ang “pagbabago sa ihip ng hangin” at ang sumisirit na suporta para sa kandidatura sa pagka-presidente ni Leni Robredo, kaya patuloy ang walang basehang pagbibintang ng mga tila “kotong cops” na naninira sa kampanya.

Ayon sa kampo nina Robredo at ng kanyang running mate na si Kiko Pangilinan, inaasahang titindi pa ang atake at “red-tagging” lalo na’t papalapit na ang eleksyon at lumalakas ang suport sa Robredo-Pangilinan tandem.

“Nararamdaman na nila yung ‘pressure’ at hindi magandang balita ito para sa kanila,” ayon kay Atty. Alex Lacson, tumatakbong senador.



Aniya, “triggered” na ang mga kalaban dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng political rallies ng Leni-Kiko tandem, kasama na dito yung sa Bacolod na may 70,000 na dumalo at nagpakita ng suporta.

“Desperately, gagamitin nila ang maruming taktika para siraan, hindi lang si VP Leni, kundi ang mga taong sumusuporta sa Robredo presidency,” dagdag ni Lacson.

“Humaharurot kasi ang kampanya ni Leni. Lumakas ang byaheng Robredo. So ano ginagawa nila para mapahinto ito? They abruptly switch the traffic light to red. Style ng ‘kotong cops,” sabi naman ni dating congressman Teddy Baguilat.

“I hope that candidates who have low chances of winning will not make a pact with the devil and offer their services as a battering ram to hit another candidate,” dagdag ni Baguilat na tumatakbo rin sa ilalim ng Team Leni-Kiko.

“VP Leni is gaining momentum at kita nyo naman sa rallies, which are huge, hip, happy gatherings,” aniya.



“Natatakot na sila dahil nakikita nila na mamamayan mismo ang kumikilos para sa kampanya ni VP Leni,” dagdag ni Baguilat.

“Punong puno ng energy ang mga political rallies na ito, kaya minsan, mawawalan ka ng tiwala sa mga surveys na lumalabas, especially kung kaiba ito sa nangyayari sa ground,” aniya.

Pinayuhan ni Baguilat ang mga bumabanat na sumali na lang sa kampanya ni VP Leni Kiko para pumanig sa katotohanan at maging bahagi ng kasaysayan.

Maliban kay dating senador Ping Lacson, pinaratangan din ni Rep. Jesus “Boying” Remulla ng Cavite na “trained” ng mga komunista ang mga kababayan niya sa Cavite na dumalo sa rally ni Robredo.

Pinayuhan ni Baguilat ang mga bumabanat na sumali na lang sa kampanya ni VP Leni at Kiko Pangilinan para pumanig sa katotohanan at maging bahagi ng kasaysayan.