Advertisers
NASA Rain or Shine na si Rich Alvarez bilang assistant coach mula pa noong isang taon. Mas nakatutok siya sa training ng mga big man ng koponan gaya nina Jewel Ponferrada, Norbert Torres at pati ang beteranong si Beau Belga.
Maraming maibabahaging karanasan lalo na sa depensa ang dating UAAP MVP at over-all draft pick ng Shell taong 2004.
Rookie of the Year awardee rin ang isinalang sa Japan noong 1980 Nagdribol din ang 6-4 na power forward sa Alaska, Red Bull, Ginebra, Air 21 at Talk N Text. huling uniporme ng naging modelo ng Burlington socks ang Kia.
Napangasawa niya ang R & B singer na si Kyla o Melanie Calumpad sa tunay na buhay. Mayroon silang isang anak na si Toby.
Si Kyla ay napanood natin kamakailan sa isang malaking rally ni Leni Robredo kung saan isa siya sa mga volunteer na mang-aawit.
May knock-knock pa siya sa mga nandoon. Knock-knock eka ng misis ni Alvarez. Leni! Leni who sigaw ng mga tao.
“When I find myself in trouble, Mother Leni comes to me, speaking words of wisdom”. Yan ang handog ni Mrs Alvarez.
Malalim ang kahulugan niyan.
Hindi lang natin matiyak kung mismong si Rich ay maka-Robredo rin. Malamang eka ni Pepeng Kirat dahil aral sa Ateneo tulad ng mga kakampink na volleyball players na sina Alyssa Valdez at Pomggay Gaston.
***
Hanggang ngayon hindi tapos ang away ng PATAFA at EJ Obiena. Sayang daw ang tiyak na ginto para sa atin sa SEA Games.
Nasa peligro rin ang paglahok ni Obiena sa iba’t ibang paligsahan sa mundo na kailangan ang approval ng NSA na si Philip Juico ang pinuno. Sana maayos na ito. Sino nga ba diyan ang pwedeng mamagitan na igagalang ng magkabilang panig?
***
Panalo si Jimwel Pacquiao sa unang amateur bout niya. Pero eka ni Tata Selo malayo sa ama. Kung sabagay walang manlalaro na anak ng isang super athlete ang nakahigit pa sa kanya.
Paano daw si Anthony Villanueva na naka-silver sa Olympics nguni;t ang tatay niya na si Cely naka-bronze lamang? May katwiran si Tatang.