Advertisers
Ni BETH GELENA
SA bagong vlog ni Bea Alonzo habang nagbabasa siya ng mean comments, naagaw ng kanyang pansin ang isang komento hinggil sa kanyang katawan.
“Isn’t it too late for you to be doing this endorsement? Watching it you’re old to be a model for this commercial may kulubot ka na,” sambit ng commenter.
Denepensahan naman ng aktres ang sarili, aniya, really take good care of, she said, “I’m 34 and I’m about to turn 35 and I’m proud of it and I take care of myself as much as I can, I exercise, I eat healthy and I think proud ako sa itsura ko at 34 years old.”
Dagdag pa ng girlfriend ni Dominic Roque, “And kinuha ako ng certain brand that is actually very flattering for me kasi di ko naman pinipilit sarili ko para kunin ako so I’m proud of it.”
***
SHAINA NALIGAW SA REUNION NG DATING MGA VJs LUIS, NIKKI, IYA AT DREW
MAY post si Luis Manzano ng get together nilang magkakaibigan.
Ang mga nasa larawan ay ang mag-asawang Luis at Jessy Mendiola, Iya at Drew Arellano, BJ and Nikki Albert at si Shaina Magdayao.
Ang nilagay na caption ni Luis: “Todo laughtrip at kulitan night with peeps. You don’t need blood to be family with heart ermoji naaaaks ang lalim nabasa ko lang yan sa banyo dati.”
Marami ang nanghinayang sa career ni Nikki Gil dahil mula nang mag- asawa siya ay nag-stop na siyang mag-showbiz
“I miss Nikki Gil she’s a good host at good singer”
“nope she made great choices and she’s living the best life.”
Natawa naman kami sa puna ng isang netizen.
“Ganyan pala mag reunion mga mayayaman, walang pagkain. Pa wine wine lang :D”
“Depende naman sa reunion. Well, based sa venue at suot nila mukha namang tamang chill lang ang ganap”.
Dahil si Shaina lang ang walang partner sa grupo, may nagsabi na “Shaina sana ma-meet mo na din ang para sa iyo girl”
May nakaalala naman kung ano ang unang work ng magkakaibihan except Shaina na acting ang talent.
“Mga dating VJ sa MyX. Nakakamiss”
“Nakakamiss kulitan nina Luis at Nikki noon sa Twitter sobrang bardagulan. I love Nikki tapos yung kanta niya pang pambansang graduation song. Not gonna say sayang her career but I feel she is very happy with her life na”
“Nabigyan ng good vibes ang photo because of Nikki.”
“Nikki, Iya, Luis & Shaina are real good friends . They are showbiz but not really “showbiz” as what Luis would always say”
Puna naman ng isa, “Naligaw ata si Shaina?”
“She’s super bff of Nikki.”
“This is what you called GENUINE friendships not just showing off or pa show biz.
They are privately still in contact regardless they have a show or not”
Intriguing naman ang komento ng netizen na ito, “Parang si iya and nikki hindi na bff like they used to before. Bff goals ko pa naman sila dati.”
***
NAGSELEBREYT ng 19th bertdey si Andrea Brillantes sa ASAP Natin To last Sunday.
Nagpamalas ng sayaw ang young actress kasama ang formet child star na si Xyriel Manabat.
Magbest friends pala ang dalawa during their Goin’ Bulilit days pa kaya napapayag ni Andrea si Xyriel na samahan siyang mag-perform sa kanyang birthday celebration.
Kinunan ng pahayag si Xyriel after nilang mag-perform ni Andrea.
“Para sa akin po, alam naman na siguro ni Blythe lahat ng mga messages na gusto kong sabihin sa kanya. Pero above all, gusto ko po siyang i-congrats kasi sobrang lakas po ng taong ‘yan,” ani Xyriel.
“Isa po siya sa pinakamatatag na taong kilala ko. Congrats, I’m really proud of you kung gaano kalayo and kung gaano kaganda ‘yung narating mo,” dagdag pa nito.
Pinasalamatan naman ni Andrea ang kaibigan.
“Thank you dahil hanggang ngayon, talagang nandito ka pa rin. At masaya ako dahil kasama kita dito. Masaya rin ako na ‘yung performance ko, kasama kita.”
Mukhang hindi na nga yata mababalik sa dati ang samahan ng The Four Gold Squad lalo na sina Andrea at Francine Diaz
Napansin kasi namin habang pinapanood ang ASAP hindi man lang binati nina Seth Fedelin, Kyle Echarri at Fràncine si Andrea sa kaarawan nito.