Advertisers

Advertisers

Ellen nabuking ang rason kaya ‘di mabuntis ni Derek

0 472

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KAHIT pala nag- honeymoon na sa Africa ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, malabo na mabuntis ang sexy actress dahil kasama si Elias sa bakasyon nila.
Hindi raw pala mabubuntis si Ellen kahit araw-arawin ng mag-asawa ang pulot gata.
Naging paborito naman itong topic sa isang You Tube channel.
Takang-taka sila bakit ‘di pa rin nabubuntis ang misis ni Derek.
Malabo talaga mabuntis si Ellen kay Derek kahit magta-tumbling ito.
Nagpalagay pala ito ng IUD kaya imposible na mabigyan nito ng supling sa ngayon si Derek.
Inintindi na nga lang siguro ni Derek ang asawa dahil maliit pa si Elias at gusto muna nila palakihin ito.
Pero nangako naman si Ellen kay Derek na next year ay patatanggal na nito ang ipinalagay na IUD para magka-baby na sila.
Hmmmp!?
***
Bea Alonzo matanda at kulubot na ayon sa basher
AYAW sana patulan ni Bea Alonzo ang isang basher na nang-bash sa kanyang edad.
May iniendorso kasi itong product na tila naasiwa at di nabagayan ang basher sa Kapuso star.
Kaya naman walang takot at preno na sinabi nito na matanda at kulubot na ang aktres at di na bagay sa iniendorso.
Pero di pinalagpas ni Bea ang basher at kanya niya itong binuweltahan.
‘Na stop shaming age!’ ani Bea at sa edad nga raw nitong 34 turning 35 years old eh proud nga raw ito sa kanyang edad.
At nagpasalamat nga raw ang aktres na sa edad niya ay may kumukuha pa rin sa kanya to endorse.
Kaya minsan daw talaga ay dedmadela siya at ayaw nang patulan ang basher. Kaya sa latest vlog nito ay may buwelta itong sagot sa kanyang basher.
Well, well, well…’Yun na!