Advertisers

Advertisers

Sigaw ng mga inabusong babae ng NPA… GABRIELA RECRUITER PARA SA CPP-NPA-NDF

0 515

Advertisers

ANG Gabriela Women’s Party, ay isang partylist organization na nagrerecruit ng mga kababaihan para maging kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang isiniwalat ng tatlong kababaihang naging ina habang nanilbihan bilang mga miyembro ng NPA, sa isang espesyal na balitaan kahapon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa paggugunita ng International Women’s Month.

Ayon kay Arian Jane Ramos alias Ka Marikit, na-recruit siya maging NPA sa pamamagitan ng Gabriela noong bata pa siya at mag-aaral.



Si Ramos ay dating secretary ng NPA Guerrilla Front (GF) 55, Sub-Regional Committee 5 (SRC)-Southern Mindanao Regional Command (SMRC), at naging chairperson pa ng Gabriela Youth sa University of the Philippines (UP) ng Mindanao.

“2012 sa UP Mindanao ng mahikayat akong sumali sa Gabriela Youth dahil sa pagsusulong nila ng mga isyu hanggang maging chairperson ako. Pagkatapos ay nadoktrinahan ng CPP-NPA-NDF at naging miyembro na nito at naatasang mafturo sa mga komunidad. May 11, 2014, sa Talaingod ako nagtuturo ng mga IPs (Indigenous People),” kwento ni Ramos.

Dito niya nalamang ang pamunuan ng Gabriela ay kabilang din sa CPP-NPA-NDF.

“Alam ko, dahil nakikita ko sila sa mga general assembly. Mas masarap ang buhay ng mga kababaihan nasa Gabriela kumpara sa aming mga nasa bundok. Ginagamit nila ang kababaihan para makahingi ng pondo sa abroad,” dagdag pa niya.

Hanggang sa mabuntis siya at isang buwan lamang na pagpapagaling ang ibinigay sa kanya nang pinabalik na agad sa bundok.



“Yun ang mahirap dahil kahit babae ka, ini-expect na kaya mong gawin lahat,” ang sabi ni Ramos.

Marami pa nga daw masasakit na kwento ng karanasan ang di nabubunyag, kung saan mga ginahasa pa at inabusong mga kababaihan.

Ganito ang inilahad na kwento ni Ka Ruffa Correa, dati rin NPA kasama ang buo niyang pamilya na naloko at nasira ng mga teroristang-komunista.

Sa kagustuhan niyang makapag-aral kaya pumayag na rin siya sa udyok ng kanyang ama at napabilang siya sa Anakbayan, ngunit mabuntis ng kanyang kalive-in na rebelde din. Dito niya naranasan ang hirap ng panganganak dahil sila lamang ng kanyang nakababatang kapatid ni Shane ang bumaba ng bundok para siya’y magpa-ospital.

Ang kanyang anak ay pinaiwan na lamang sa kanya sa mga taong di naman niya kilala at pinaakyat silang muli sa bundok. Dito niya nalamang ang karanasan ni Shane na ginahasa na pala ng kanilang kumander at ng platoon leader. Isinumbong nila ito sa samahan ngunit walang nangyari at naparusahan, kaya minabuti nilang magkapatid na tumakas na lamang at napunta sa kamay ng mga sundalo.

Ganun din ang naranasan ng kanilang Inang si Ka Lorna na, nang dahil sa catarata ay himalang nakaligtas sa kanyang pagtakas. Umiiyak ang kanilang ina habang ibinabahagi ang masamang karanasan nilang inabot sa kamay ng mga NPA. Nanawagan din siya sa kany g asaw at dalawang anak na lalaki na sumuko na rin.

Sa isa ring ina gaya ni Ka Lorna, iba ang lungkot na bumalot naman kay Mary Frances Meriveles na ngayon ay miyembro na ng Hands Off Our Children Movement, dahil ang kanyang anak na si Francis Ern Meriveles ay hanggang ngayon ay di pa nakikita.

Naging NPA ito sa edad na 16 noong estudyante pa sa Polytechnic University of the Philippines.

“Si Francis ngayon ay 23 anyos na, noong magbirthday siya ng March 13. Wala pa rin siya. Ang hirap. Ako ay may takot na kung ibabalik siya sa amin… ay patay na siya. Ito ay di gawa-gawang kwento. Sana mamulat na tayo sa katotohanan,” pakiusap ni Meriveles, na Ang tinutukoy ay para sa mga magulang at anak na mag-ingat upang di maloko sa pagsapi sa CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng Gabriela at Anakbayan.

Sabi naman ni Usec. Lorraine Badoy, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC, mangyayari lamang ang kahilingan ni Meriveles kung di na iboboto ng taong bayan ang mga front ng CPP-NPA-NDF gaya ng Kabataan Bayan Muna, Anak Pawis, at Gabriela o KABAG.