Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
VIRAL ang ibinahaging larawan ng Kapuso actress na si Jillian Ward na ibinandera niya ang pagmamay-aring mamahaling sasakyan na Porsche.
Hindi naman nakaligtas sa bashers ang pagpo-post ni Jillian ng nasabing luxury car.
Iniintriga rin ito ng isang online marites na si Xian Gaza na nagsabing may pambili ito ng sports car pero ang birthday cake nito ay isang X-deal.
May insinwasyon pa itong kilala niya umano kung sino ang nagbigay ng Porsche sa actress o kung bibigyan ng malisya ay meron itong azucarera de papa.
Nag-post naman ng achievements ng actress ang administrator ng socmed page ni Jillian bilang protesta sa pang-iintriga ng online marites.
Isa na rito ang pagiging negosyante ng Kapuso star sa edad na 14.
Samu’t sari naman ang reaksyon ng netizens sa post ni Jillian.
May mga bumilib sa aktres na sa murang edad ay marami nang naipundar.
Ito ang ilan sa kanilang komento.
“ANG YAMAN! =1=1=1”
“Congratulations to her but her posts are too calculated and nagmamadali sya mag mature, enjoy your youth, she’s pretty naman” “ibaaaa.. Sa mhal ng gas ngaun..Lol”
Shucks! Ang sexy ng batang to.”
“She’s sexy.kakabugin niya si Blythe”
“Indeed having millions of subscribers and followers will make u a millionaire. Such a young age and yet ur a mucho dinero. Keep slaying Jillian.”
“Kudos to her! Pero bat ung mga young stars ngyon parang nagmamadaling mag mature! Si andrea tapos ito.”
“Malamang maraming ipon na ito. Bata pa lang nagta-trabaho na.”
“Deserved naman niyang bumili ng sasakyan sa sarili dahil bata pa lang nagtratrabaho na siya at balita ko, booming naman ang negosyo niya.”
“Malisyoso lang ang nag-iisip na may DOM siya.”