Advertisers
UMAASA pa rin ang pamilya at mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero na makikita pa nila at buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay na diumano’y dinukot sa kani-kanilang mga bahay may tatlong buwan na ang nakararaan.
Malaki umano ang mga puso ng mga ito at may ka-kaibang tibay at lakas ng loob na pinapamalas gayong tatlong buwan na itong di makita at ni wala man lang balitang nasasagap.
Ang 36 na sabungero na nawala na lang na parang bula ay nananatiling palaisipan at masyadong misteryoso hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng ginagawang imbestigasyon ng mga awthoridad.
Wala man lang daw lead o taong mga person of interest na nakukumbida upang tanungin hinggil sa pagkawala ng mga ito.
Maski man lang daw isang hibla ng buhok o anuman pagkakakilanlan ay blanko pa rin. Wala pa rin pinepresintang anuman bagay o ebidensiya ang mga awthoridad na na-atasan sa kasong ito.
Ganon pa man ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya ng mga sabungerong pinaniniwalaang dinukot at kinidnap ng mga maimpluwensiyang mga tao.
Ang kinakabahala lang ng marami ay baka puro ASA ang mangyari. Mas mabuti pa daw ang PAG-ASA weather station sa Quezon city na maski papaano ay nakikita na agad ang anumang bagyo at sama ng panahon na parating.
Ilan din ang nagsasabing baka puro “fighting” na lang ang matira sa mga ito at wala ng “spirit”, fighting spirit ika nga he he he
Kung ikukumpara mo naman daw sa giyera ay deklaradong Missing In Action (MIA) na ang mga ito sa tagal ng panahon na di matagpuan ang mga bangkay, more or less ay alam mo naman daw na naki paglaban. Kumbaga naman daw sa mga pulis at iba pang empleyado ng gobyerno, ang mga ito ay tina-guriang AWOL dahil bigla na lang nawala, di po ba?
Masyadong misteryoso ang kasong ito at kung titingnan natin ay parang scripted na lang, tapos na ang boxing, alam na ng lahat ang nanalo at may kalakip ng dibidendo ang lahat ng kombinasyon.
ANO KAYA ANG HAHANTUNGAN NG IMBESTIGASYON NG SENADO?
Ano na kaya ang patutunguan at saan kaya hahantong ang ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa pagkawala ng 36 na sabungero halos tatlong buwan na ang lumipas.
Sana naman daw ay may magandang resultang lumabas sa ginagawang Senate Inquiry hinggil sa mga nawawalang sabungero.
Marami ang pinatawag at kinumbidang mga tao ang Senado hinggil sa usaping ito. Isa dito ay ang primerong Gambling Tycoon ng bansa na walang iba kundi si Charlie “Atong” Ang.
Napag-alaman kay Ang na marami rin pala siyang kasosyo sa negosyong E-Sabong na pawang maimpluwensiya at may malakas na koneksiyon sa gobyerno.
Ang mga ito ayon kay Atong ay kinabibilangan ng ilan politiko tulad ng Gobernador, Congressman, Mayor at malalaking negosyante.
Ilan ang nag-sasabing maski na si Superman, Batman at Totoy Bato pa ang kumbidahin dito sa Senado ay wala ring mangyayari dahil nga superlakas at tibay ito sa komitee. Mas mabuti pa daw kung ipa-tawas mo na lang sa albularyo at maski papaano ay may hugis na lalabas.
Mantakin niyong sa kabila ng hiling ng mga Senador na pansamantala munang suspindihin ang operasyon ng E-Sabong, disapproved pa at tuloy-tuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Biruin niyong pirmado lahat ng mga senador na pawang mga miyembro ng komitte na pinamumunuan ni Sen. Bato de la Rosa ang petisyon ay WA EPEK din, bale-wala… DEDMA ito sa PAGCOR.
Kung sa bagay ay napakalaki ng pinapasok na revenue nito sa gobyerno, imagne540-million a day. Bilyon din malamang ang napupunta sa gobyerno in one month.
Que si hoda kung ilan tao pa ang mawala, mamatay o mapatay at malulong sa sugal na ito… OK lang basta’t PERA-PERA LANG, PWERA DAMDAMIN…he he he
Ngayon ay kayo na ang magdesisyon kung saan hahantong ang ginagawang Senate Probe na ito. Mararamdaman niyo naman sigurado ito dahil kumbaga sa election ay may trending na, tama po ba??