Advertisers
SAAN ka makakakita ng isang aspiranteng nais mamuno sa pulo ay manunuyo ito ng boto kahit sa demonyo? Dito lang merong ganito.
Patok siya sa mga santong kabayo- banal na aso ni padre Damaso kaya pag nagsanib na ng puwersa ang banal- banalan at mga teroristang konyo ay kakampon na ng naturang presidentiable ang mga paremonyo.
Ang nga nangengelam na alagad ng simbahan daw ,wala na yatang magawang mabuti para sa tao . Niyayakap pa nila ang mga kahit isinusuka ng taumbayan ang kakampon na maitim ang idolohiya at liping pulahan ang kinaaniban.
Dahil sa gahamang ambisyon sa kapangyarihan , ang realidad na di sila mananalo sa patas na laban ay kanya nang isasangla ang kaluluwa sa kasamaan basta mapuwesto lang at mabuhay muli sa kadiliman ang bayan ni Juan.
Ang kandideyt na ito kung kumilos ay mistulang di makabasag ng pinggan at kung magsalita ay hitik sa katotohanan ang pinangangalandakan pero kabaligtaran kaya di dapat magkamali si botanteng Juan para di mapahamak ang bayan.
Ang hangin sa utak ay palasak.Iaaangat daw ang maralitang buhay pero ang bangko silya niya ang iniaaangat para lang makalinlang.
Kapag ganyang hayagang nakikipag-alyansa ito sa pulahan para lang makadami.ng bilang sa mga caravan at malakihang pulong- pulungan ay mag-isip nang mabuti ang mga botante kung ganito ang presidente..ges nyo ang aniya ay king’ina ng bayan?esep-esep … SUMALOSEP!