Advertisers

Advertisers

SA DEBATE MAKIKILATIS ANG TALINO AT HUSAY NG MGA KANDIDATO: YORME ISKO

0 359

Advertisers

SA pagtanggi ng isang kumakandidato sa pagkapangulo na di makibahagi sa naka-sked na Commission on Elections PiliPinas Debates 2022 sa Marso 19, sinabi ulit ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ang mga debate ay isang paraan upang makilatis ang kakayahan, talino at husay ng mga kandidatong nais pumuwesto sa gobyerno.

Sa media interview kay Yorme Isko matapos magtalumpati sa isang town hall meeting sa Oas, Albay, Marso 15, kinumpara nito na ang debate ay tulad sa isang Human Resource (HR) Department na pinupuntahan ng mga aplikante sa trabaho.

Una nang nagpasabi ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na hindi na ito dadalo sa Marso 19, unang bahagi ng Comelec PiliPinas Debates 2022 sa kabila ng paulit-ulit na imbitasyon rito.



Ayon kay Isko, karapatan ng mamamayan na marinig ang layunin ng mga kandidato, at sa hindi muling pagdalo ni Marcos, napagkaitan ang publiko na malaman kung ano ang mga dahilan kaya tumatakbo ito sa pagkapangulo.

Matatandaang kamakailan ay hindi rin dumalo sa CNN sponsored presidential debates si Bongbong Marcos.

Mahalaga, dagdag pa ni Yorme Isko na mismong sa bibig ng kandidato marinig ang mga tunay na layunin ng isang nais maglingkod sa bayan.

Sa 3 araw na kampanya ng Team Isko-Doc Willie sa Masbate, Sorsogon at Albay, sinabi ni Yorme Isko na sakaling palarin na mahalal na pangulo sa Mayo 2022, may awa ang Diyos ay kanya munang tututukan ang buhay at kabuhayan sa unang dalawang taon ng kanyang administrasyons para makatulong maitawid ang buhay ng mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sumensentro ang programa ni Yorme Isko sa Bilis-Kilos na programa upang maibangon ang lugmok ng ekonomya ng bansa bunga ng perwisyong dala ng pandemyang Covid-19.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">