Advertisers

Advertisers

Away sa parking space: 1 patay

0 312

Advertisers

Patay ang 51 anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng isang lalaki nang magkipagtalo sa parking space sa Tondo, Maynila noong Lunes, Marso 14.

Kinilala ni Police Lt. Col. Cennon Vargas Jr. ang biktima na si Jose Caones Jr., residente ng Sofia Street, Tondo.

Ang salarin na si Julius Quezon, 56, residente ng Moderna Street, Brgy. 146, Balut, Tondo,  agad naaresto ng pulisya matapos ang insidente.



Sa ulat, nangyari ang pamamaril 6:00 ng gabi. sa harap ng bahay ng suspek, sabi ng pulis.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) homicide section, nagsimula ang pagtatalo ng dalawa nang iparada ni Caones ang kanyang tricycle sa harap ng bahay ni Quezon.

Hiniling ni Quezon kay Caone na umalis sa parking spot, ngunit iginiit ng tricycle driver na naghihintay siya ng kanyang pasahero.

Sa kanilang pagtatalo, bumunot ng matulis na bagay ang biktima habang si Quezon kumuha ng baril sa kanyang bahay at pinagbabaril si Caones.

Isinugod sa Tondo General Hospital si Caones ngunit idineklara itong patay 6:45 ng gabi.
Kakasuhan si Quezon ng homicide.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">