Advertisers
KUMPARENG-PUTIK umano ng binansagang MA BAKER ng Calabarzon o ng Region-4A ang karamihan sa mga opisyal ng pambansang kapulisan sa nasabing area.
Ang talipandas na babaeng ating tinutukoy na nagyayabang na nasa kanyang payola lists ang halos lahat ng opisyal ng PNP at ng mga kasapi ng media ay itong si BABY PANGANIBAN.
Si BABY PANGANIBAN po ay sadyang may “ASIM” sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna,Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) na pinamumugaran ng kanyang gambling empire.
Marami ng istorya tayong narinig sa pagiging kupal nitong si BABY PANGANIBAN.
Mga istoryang talagang nakakamangha at nakakagulat.
Parang si BONG PINEDA (DOCE) ito ng Region 3 na kayang magpasibak at magtalaga ng chief of police, provincial director/city director o maging ng isang regional dirtector sa hanay ng PNP.
Talagang may “clout” ika nga sa inner circle ng kapulisan.
Makailang beses na rin umanong minura nitong si BABY PANGANIBAN ang ilang senior officials ng PNP na may mga ranggong Kapitan, Major at koronel.
May ilang PNP officers din itong pinasibak at ipinatapon dahil sagabal at perwisyo sa kanyang raketa ng iligal na pasugal.
Kahit mga miyembro ng national media ay walang binatbat kay PANGANIBAN.
Isang kupaling kolektong na nagngangalang JONG ang tumatayong “liason officer” ng hindot na si PANGANIBAN upang umayos o umareglo sa mga bumabanat na mediamen mula Manila sa kanyang nakasabog na mga peryang may sugal at droga.
Pati ang pangalan ng bagong talagang Regional Director ng PNP Region-4A na si BGen. Antonio Yarra ay kaladkad ng bruhang si Panganiban sa kanyang katarantaduhan.
Hindi tayo naniniwala na “abot” ng kamandag ni BABY P ang tanggapan ni General Yarra.
May ilang alagang “pulis-patola” lamang itong si Panganiban para “bulagin at bukolan” ang mamang heneral.
Alam kaya ni General Yarra na P2M “as in two million pesos” ang ipinagyayabang ni PANGANIBAN na ipinagkaloob nito kay YARRA bilang “pasalubong” nang maitalaga at maupong RD ng Calabarzon?
WOW OH WOW!
Bukod pa umano sa isang brand new SUV at lingguhang sustento na P.5M o kalahating milyong piso!
Ang tindi ano po?
Kaya naman pala walang takot o kaba man lamang itong si PANGANIBAN na sasalingin ng PNP ang kanyang mga pasugalan at ang kanyang mga tauhang direktang sangkot sa kalakalan ng droga.
Going back sa role nitong si JONG aka JONG BUKOLERO kay MA BAKER ng CALABARZON na si BABY PANGANIBAN, ito rin daw ang panakot ng talipandas na babae laban sa kapulisang nag-iisip na mag-double cross kay PANGANIBAN.
Paalala lamang po dito kay Gen. Yarra sir, baka kasi labas-pasok ng opisina mo itong si JONG BUKOLERO at nagagamit ka na sa kawalanghiyaan at ginagasgas ang iyong pangalan.
May kasunod sa Part 2…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com