Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG awrahan naman at talino ay may ibubuga si Bianca Umali ng Kapuso.
Kaya may nangahas na nagtanong kay Bianca kung wala ba sa isip nito na maki-join na rin sa mga prestigious beauty contest.
Ito ay dahil taglay daw ni bianca ang isang beauty queen.
Sa ngayon kasi ay di pa priority ni Bianca ang pag-join sa beauty contest.
Aminado naman ang Kapuso star na maraming nagtatanong kung bakit ‘di raw siya sumasali si Bianca sa beauty pageant.
Sa ngayon ay hindi raw kasi niya priority ang pag-join kahit marami ang nag-uudyok sa dalaga.
Priority nito ngayon ay kanyang career kaya rito siya nakapokus.
Sabi nga ni Bianca na wala naman problema sa pagsali sa pageant. Kaso may pumipigil nga sa kanya kaya nababantilawan ang kanyang pag-join kung sakali.
Kaya balik tanong nito na papasa ba or pasado ba ang kanyang height na nasa 5’4″ lang?
At feeling niya ay maliit siya para ma-qualify sa pagsali sa beauty pageant..
Career daw muna si Bianca ngayon pero ayaw nito magsalita nang tapos.
***
FIRST time ever nga raw ito na ‘di isinama ni Bea Alonzo ang bf na si Dominic Roque sa paglabas ng bansa.
2019 pa raw ang kanyang mga International flight at after that, now lang mauulit.
Sa posted pics ni Bea sa kanyang socmed account feeling ng netizen ay tila nasabik si Bea sa pagbiyahe palabas ng bansa.
Kita naman sa kanyang mga ngiti sa kanyang post na tila nakawala ito sa koral.
Almost 2 years din kasi na stay home lang si Bea nang magsimula ang pandemya.
Kaya inasahan naman ng netizens ang pananabik nito sa paglabas ng bansa.
At sa Spain sa Madrid daw ang tuloy ng biyahe ni Bea.
Kita naman na di nito kasama ang bf na si Dominic oh baka nga raw di lang nito isinali sa picture.
Para magmukhang solo flight daw ang datingan ni Bea Hmmmp!? Well, well, well… ‘Yun na!