Advertisers

Advertisers

Mga endorsements para pagka-Pangulo ni Leni Robredo, ‘di na mapigil, dumarami!

0 421

Advertisers

PADAMI nang padami ang mga nagpapahayag ng suporta para kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. Halos dalawang buwan na lang ang natitira bago ang eleksyon sa May 9, at napakahalaga ng mga endorsement nilang ito.

Ngayon pa lang, limang gobernador na ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Vice President Leni Robredo para maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. Sila ay sina Eastern Samar Governor Ben Evardone, Northern Samar Governor Edwin Ongchuan; Northern Occidental Gov. Eugenio “Bong” Lacson; Bulacan Gov. Daniel Fernando; at dating Cagayan Gov. Alvaro Antonio.

Kamakailan din ay nagpahayag ng suporta ang higit sa 80 na batang lingkod bayan mula sa 31 na probinsya kasama ang Ilocos Sur, Cagayan, Isabela, Batangas, Leyte, at Pampanga.



Iba’t ibang grupo at sektor na rin ang nagendorso kay Robredo.

Dahil sa mga sunod-sunod na endorsements na ito, hindi natitinag ang mga Kakampink sa resulta ng mga survey. Umaasa sila na sa tulong ng mga endorsements na ito, mahihikayat na mag-Leni na ang mga hindi pa desidido kung sino ang iboboto sa May 9.

Pinapatunayan ng mga nag eendorso kay Robredo na isa siyang lider na maasahan, matapang, may paninindigan, mabilis mag-desisyon, handang magbigay ng tulong, ano mang oras.

Kapansin-pansin na limang lalaking gobernador, ang pinili ay isang babae tulad ni Robredo bilang karapat-dapat mamuno sa higit sa 100 milyon na Pilipino sa loob ng anim na taon.

Para sa kanila, lider din nila si Robredo. Hindi isyu sa kanila na babae si Robredo.



Bilib ang mga gobernador sa track record ni Robredo sa pagbibigay ng tulong sa mga tao at nadadala pa niya ang serbisyo ng gobyerno sa mga liblib na lugar sa mga probinsya.

Sabi nga ni Negros Occidental Gov. Lacson, si Robredo ay matalino, sinsero, matulungin, at mapagkakatiwalaan. Hindi rin siya korap, ito ang mariin na pahayag ni Bulacan Gov. Fernando.

Sina Evardone at Ongchua, sumang-ayon kay Pangulong Duterte nang sabihin nito na dapat ang pumalit sa kanya ay isang “decisive, compassionate lawyer.” Para sa dalawang gobernador, halos si Robredo na ang tinukoy ng Pangulong Duterte dahil siya nga naman ay mabilis magdesisyon at may malasakit sa taumbayan. Abugado din ng mga mahihirap Robredo.

Si Antonio, hindi pinalampas ang kapabayaan at pangde-dedma ng kapwa niya Ilokano na si Bongbong Marcos. Sa kanyang talumpati sa people’s rally sa Cagayan, sinabi ni Antonio humingi siya ng tulong kay BBM nang masalanta ng malaking baha ang Cagayan pero wala itong ginawa.

Si Robredo, na hindi man lang nanalo sa Cagayan, agad na nagpapadala ng tulong sa kanila tuwing sila ay nasasalanta ng bagyo.

Sa press conference sa Bulacan kasama si Fernando, labis ang pasasalamat ni Robredo sa mga nag endorse sa kanya dahil pinatutunayan din nito na maraming hindi naniniwala sa mga fake news na pinakalat na laban sa kanya.

Kung siya raw ay ‘Ma-dumb’ o bobo, tulad ng mga sinasabi sa social media ng mga troll at mga tagasuporta ng kanyang mga kalaban, bakit siya susuportahan ng mga guro, ng mga madre at pari, mga sundalo, mga manggagawa, mga maralita?

May punto si Robredo. Kung marami ang napapaniwala ng fake news, marami din ang hindi nagpapadala sa ingay ng social media.

Sa darating na May 9, tiyakin na natin na tama ang ating iboboto. Sa mga pahayag ng mga nag endorse sa kanya, si Leni Robredo ang nararapat maluklok sa Malacañang.

Kung gusto nyo pa rin itanong kung bakit, ito na ang sagot: Si Leni Robredo ay isang lider na mabilis magpadala ng marami at tamang ayuda para sa atin; siya isang lider na hindi nawawala sa oras ng kagipitan at spokesperson lang pinaharap sa bayan; siya ay isang lider na naiitindihan ano ang ating mga kailangan; at siya ay isang lider na hindi natatakot ipagtanggol ang ating bayan.