Advertisers

Advertisers

Pa-bangkarote na ang Maynila

0 254

Advertisers

Don’t trust everything you see, even salt looks like sugar. —Anonymous

LILISANIN ni Yorme Isko ang Maynila na mayroong P25 bilyon utang sa mga government banking institutions.

‘Yan ang masakit na katotohanan mga katoto, pabulusok ang estado ng ating minamahal na Lungsod patungo sa pagka-bangkarote.



Nabudol lang kayo ng mga beautification projects ni Yorme!

***

TINGNAN, noong 2020 naglabas ng datos ang COA “2020 Annual Financial Report on Local Government,” na nagsasabing bumagsak sa ikatlong puwesto ang Maynila sa listahan ng mayamang siyudad sa Metro Manila.

Nanguna ang Quezon City sa pinakamaunlad na siyudad mula sa P96.423B umakyat ang asset ng Lungsod sa 369 percent o umaabot na ngayon sa P355.91B.

Tinalo pa ng QC ang Makati na siyang financial district ng bansa!



***

ANG Maynila, ayon sa COA ay mayroon lamang na P76.548 billion asset. In short hindi tumaas ang income revenues sa ilalim ng kanyang budol-budol na Bilis-Kilos program.

Mayroon pa tayong P15,566 billion liabilities. Nakakapagtaka, naibenta na ang Divisoria market, lote sa Harrison Plaza at mga patrimonial properties, bagsak pa rin ang revenues ng Maynila.

Saan napunta ang pera?……sa ambition first?!

***

KAYA mga katoto, mag-isip kayo sa pagpili ng kandidato lalo na sa Maynila. Si outgoing Vice Mayor Honey Lacuna ay walang sapat na karanasan sa financial management crisis.

Hindi natin minimenos ang kanyang propesyon bilang dematolohista, pero sa pagkakataon ito ang kailangan natin ay isang ekonomista na magsasalba sa Maynila sa financial crisis ng Lungsod.

Real solution, hinde derma solution!

EX-CONGRESSMAN, BRGY OFFICIALS, SOLID SUPPORT KAY ATTY ALEX LOPEZ!

TODO at buo ang suporta ng mga dati at kasalukuyang congressman ng Maynila sa builder, economist at professor Atty Alex Lopez.

Nariyan sina dating Manila 6th District Congressman Sandy Ocampo, 4th District Congresswoman Trisha Bonoan, 3rd District Congressman Zeny Angpin, 2nd District Congressman Carlo Lopez at incumbent 1st District Congressman Manny Lopez, ang kanyang nakababatang kapatid.

Lahat solid support kay Atty Alex for Mayor!

***

NAGKAKAISA rin ang mga kandidato konsehal na kapartido ni Atty. Alex na magkaroon ng pagbabago sa city hall sa ilalim ng kanyang liderato.

Karamihan sa mga kandidato ni Atty. Alex ay mga incumbent barangay chairmen na umuusok sa galit kay Vice Mayor Honey Lacuna nang alisan sila ng power na mag-isyu ng brgy business permit sa bisa ng ipinasang ordinansa.

Gusto imbudo sa kanila ang pondo!

***

SA totoo lang, hindi maaring i-supersede ang isang national law ng isang ordinansa lamang ng Lungsod.

Sa ilalim ng Local Government Code of 1991 ng Article IV Barangay section 152 (c) nakasaad na:  Barangay Clearance. – No city or municipality may issue any license or permit for any business or activity unless a clearance is first obtained from the barangay where such business or activity is located or conducted. For such clearance, the sangguniang barangay may impose a reasonable fee. Xxxxx

Pero shinorcut nila ang batas!

***

KAYA halos 80 porsyento ng 896 barangays sa Maynila ay nakuha ni Atty. Alex dahil sa kanyang makataong programa para sa barangayan.

Kabilang dito ang 60/40 sharing sa parking collection fee, pagkakaroon ng 24/7 services ng health centers sa mga highly populated na brgy, paglalaan ng sapat na allowances sa mga tanod at iba pa.

‘Yan ang compassionate program of government!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)