Advertisers

Advertisers

Pagsusulong ng ating adbokasiya

0 481

Advertisers

PARA sa lahat ng aking kabaro sa pamamahayag at nagsusulong ng malayang pamamahayag o “press freedom” at sa katarungan, samahan niyo ako sa aking pagdulog sa Senado upang dingin ang mga bumabagabag sa ating hanay.

Akin nang nilapitan ang mga butihing tanggapan nila Senate President Vicente Sotto III at ng Senate Committee on Justice. At maging ang tanggapan ni Act-CIS Representative Rowena Nina Taduran, upang imbestigahan ang modus operandi ng grupo ni JAIME AQUINO, na ginagamit ang kanilang pagiging media sa kasamaan, sa pamamagitan ng panloloko mismo sa ating ‘criminal justice system’ para lamang makulong ang mga inosenteng tao sa kanilang mga imbentong akusayon at reklamo.

Kailangan maimbestigahan ito ng Senado at Kongreso upang makagawa ng nararapat na batas at maiwasan na ang mga ganitong modus.



Ang panglolokong ito ng grupo ni AQUINO ay bumutas din sa ating justice system na kailangan na rin marahil ng pagtutuwid ng ating sangay ng lehislatura.

Ang nangyari kina Councilor Arkie Yulde at Secretary Raul Lambino ay isang malaking katarantaduhan na sumira sa kanilang magandang imahe at record bilang mga public servants. Kung nagawa ng grupo nila AQUINO ang ganitong klase ng kalokohan sa kanila, mano pa sa mga ordinaryong mamamayan gaya ng magsasaka o mga manggagawa.

Tanging layunin natin rito ay para sa ating Senado at Kongreso na makagawa ng batas o maituwid ang mga dati ng batas sa ating sistemang pangkatarungan upang di na mangyari muli ang ganitong klase ng pangloloko.

Utang natin sa ating mga kababayang Filipino na panagutin ang mga nakagawa ng ganitong klase ng panlilinlang, at maigawad ang hustisya sa mga nabiktima, at mapangalagaan ang malayang pamamahayag na inabuso ng grupo ni AQUINO, at ginamit para lamang sa kanilang sariling agenda, at malagay sa panganib ang mga buhay ng kanilang nabiktima.

Ang mga ito ay nagawa ng grupo ni AQUINO upang magkamal lamang ng maraming salaping nahuthot nila sa dalawang opisyal kong nabanggit.



Kamakailan lamang ay nakatanggap na naman tayo ng sumbong sa mga diskarte nitong grupo ni AQUINO, nangaling mismo sa ating mga kabaro na muntik din malinlang ng grupo ng gagong si AQUINO sa umano’y patawag ng isang press conference.

Buti na lamang at naamoy nila agad ang bago ng balak nila AQUINO, at pumatol na mediamensa patawag nitong press conference, dahil alam nilang maduming pera ang balak ipamahagi ng grupo ni AQUINO.

Una, ang alok kasi ay may kalakip na P5k sa bawat a-attend ng presscon. Pagkatapos ay ikinambiyo ng mga gugong sa pagpapadala na lamang daw ng press release at mga papeles upang maging headline ang istorya sa halaga ring limang libong piso.

Style niyo bulok. Sisiguraduhin kong kayo ang mabubulok sa bilangguan matapos ang laban at imbestigasyon nating ito.