Advertisers
Pugot na ulo, katawan, braso at paa na puno ng tattoo ng tao na pinaniniwalaang salvage victim at itinapon ang natagpuan sa Zigzag Road, Don Mariano Acenue, Brgy., San Jose Rodriguez Rizal Miyerkoles ng madaling araw.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng ilang mananakay na nakalagay sa apat (4) na garbage bag na itim 6:30 ng umaga at itinapon sa Zigzag Road, Don Mariano Ave., sa lugar.
Nang buksan ng mga pulis ang garbage bag tumambad ang pugot na ulo, katawan at iba pang bahagi na pubo ng tattoo.
Sinabi ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr, hepe ng Montalban PNP, tinapon lang sa lugar ang bangkay ng biktima para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.
Paniwala ng opisyal, matindi ang galit ng mga salarin dahil sa ginawang pagkarne dito at posible din na ang brutal na pagkatay sa biktima ginawa sa ibang lugar at sa bayan lang ng Montalban itinapon.
Nagsagawa pa ang pulisya ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng biktima.
Sinusuri na rin ng mga ito kung mayroong CCTV-Camera sa lugar na makakatulong sa imbestigasyon.
Hindi rin nasabi ng owtoridad kung may karatula sa tabi ng bangkay.(Edwin Moreno)