Advertisers

Advertisers

Demand letter sa Marcos heirs kinumpirma ng BIR; P200B utang mababalewala ‘pag nanalo si BBM, babala ni Isko

0 337

Advertisers

KINUMPIRMA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes sa Aksyon Demokratiko na nagpadala sila ng demand letter sa mag tagapagmana ng mga Marcos kaugnay sa pagbabayad ng kanilang pagkakautang sa estate tax na nagkakahalaga ng P203.819 billion.

Sa isang liham na nakapangalan kay Aksyon Demokratiko Chairman Ernesto Ramel Jr., sinabi ni BIR Commissioner Ceasar Dulay na ang kanyang tanggapan ay “did send a written demand to the Marcos heirs on December 02, 2021 regarding their tax liabilities.”

Ang liham ni Dulay na may petsa na March 14 ay natanggap kinabukasan din, araw ng Martes sa Campaign Headquarters ng Isko Moreno Domagoso for President sa Intramuros, Manila.



Pinasalamatan ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno sa Silay City, Negros Occidental si Commissioner Dulay dahil sa ginampanan nito ang kanyang tungkulin sa pagpapadala ng demand letter sa Marcos heirs dahil sa kabiguan ng mga ito bayaran ang utang na P203-B estate tax sa gobyerno ng Pilipinas.

“We have received the copy of the letter of Commissioner (Cesar) Dulay of BIR na sinulatan sila noong December 2, 2021, na sinisingil ang buwis ng pamilya Marcos sapagkat ito raw ay marapat lamang na mapunta na sa gobyerno, So, I’m very happy that Commissioner Dulay wrote them a demand letter for them to pay. Sana makuha natin,” pahayag ni Moreno sa mga reporters sa Silay Plaza matapos ang sandaling break sa motorcade.

Binigyang diin ni Moreno na habang ginampanan ng kasalukuyang BIR commissioner noong Disyembre ang kanyang tungkulin, may posibilida aniya na ang pagkakautang na P203-B sa estate tax ng mga Marcos heirs ay hindi na masisingil at tuluyan na itong mababalewala sa sandaling manalo sa pagka-Pangulo ang panibagong Marcos sa Mayo.

“Now, there is a challenge. May isang rule that we checked na after five years at hindi sinulatan uli, magpre-prescribe, mawe-waive lahat yon. Now, if that is the case, today is 2022, kapag na-elect ang pamilya na yon at sila magpapatakbo ng gobyerno ng anim na taon, maba-balewala na yong P200 billion,” babala ni Moreno.

Ipinangako ni Moreno na kapag siya ang naging presidente ng bansa, ay titiyakin niya na ang P203-B Marcos tax liability na makokolekta ay gagamitin niya sa lahat ng mga Pinoy na naapektuhan ng Covid-19 pandemic at tutulungang makaahon sa kanilang kahirapang dinaranas hanggang tuluyan ng makarekober ang ekonomiya ng bansa.



“Kaya hopefully, masingil natin ito, at hindi lang patungkol sa kanila, kumbaga ay sa pangkalahatan. It’s just that P200 billion, pera na ng taong bayan yon. Kung ako sa kanila, tutal marami naman silang pera, malaking bagay ito para makatulong sa ating mga kababayan. Sana ikusa na nila, huwag ng humanap ng ways on how to circumvent, o paano mapalusutan yung mga batas na umiiral sa pagbu-buwis,” sabi ni Moreno.

“Kung talagang mahal natin ang Pilipino, ang pinakamabisa, ibigay na natin itong P200 billion na ito ng mapakinabangan ng tao. kasi paglilingkod lang din naman ang pinag-uusapan natin, ito ang magandang paglilingkod,” ayon pa dito.

Sinabi ni Moreno na napakalaking halaga ng P203 billion at plano niya itong gamitin bilang “ayuda” o cash assistance sa mga ordinaryong mga Pinoy na nawalan ng trabaho at ngayon ay hilahod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na naging dahilan din ng pagtaas ng kuryente at mga pangunahing bilihin.

“Tingnan niyo yung kuryente, babawasan ko yung presyo ng kuryente. Babawasan ko yung presyo ng krudo. Malulugi nga ang gobyerno pero yung lugi ng gobyerno ay kapakinabangan ng tao. Ngayon, saan ko kukunin yoong nawalang portion ng gobyerno? Sisingilin natin ng buwis ang lahat ng tao na hindi nagbabayad ng buwis. Kasi that’s P200 billion. Yung P200 billion, e malaking bagay yon sa katayuan natin ngayon,” paliwanag ni Moreno.

Sinabi pa ng 47- anyos na presidential candidate na kasuklam-suklam na malaman na habang ang general population ay nagbabayad ng kanilang buwis, mayroon namang mayayamang angkan ang hindi nagbabayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno.

“Ang nakakalungkot, lahat tayo halos, yung general population, ay nagbabayad ng buwis. Yung mga call center agents nga e, buwis-buhay sa puyat yon e, nagbabayad ng buwis. I think the sauce for the goose is sauce for the gander. Ibig sabihin, dapat may certainty,” sabi ni Moreno.

Noong Marso 7, sinulatan ni Ramel ang BIR chief upang magkatanong kung may panibagong demand letter sa mga Marcos heirs para magbayad ng kanilang pagkakautang sa estate tax.

“The BIR, which you now head, must renew written demands on the Marcos heirs to pay these tax liabilities once every five years, otherwise they prescribe and become uncollectable. Past administrations under Presidents Ramos, Arroyo and Aquino have faithfully issued such written demands,” sabi ni Ramel. (ANDI GARCIA)