Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMING nag-react sa kontrobersyal na cryptic post ni Elisse Joson sa kanyang Facebook account tungkol sa hirap na pinagdadaanan niya bilang isang ina at asawa.
Aniya, gabi-gabi raw siyang napupuyat at babad sa kaiisip kung paano matitigil ang paghihirap nila ni Baby Feliz.
Naging usap-usapan din ang tila sagot ng live in partner niyang si McCoy de Leon sa kanyang emote sa FB na nagsabing sana ay makayanan nila at hindi sila bumitaw sa isa’t isa sa anumang pagsubok na kanilang kinakaharap.
May binitiwan pang pangako ang aktor na gagawin niya ang lahat para mapasaya at maprotektahan ang kanyang mag-ina.
Dahil sa mga hanash nilang ito, nagkaroon ng espekulasyon na nagkakalabuan ang kanilang relasyon.
Sa emote kasi ni Elisse, parang lumalabas na nagsisisi siya sa maagang pagkakaroon ng live in partner at baby.
Marami ring Mclisse fans ang nabulabog at naalarma dahil feeling nila ay mauuwi sa hiwalayan ang relasyon ng kanilang mga idolo.
Sa pambubuking naman ng kibitzers at ilang faney, anila’y bahagi raw ng promo para sa isang endorsement ang hilaw na hugot ng dalawa.
Dahil dito, naba-bash ang Mclisse dahil sa umano’y gimmick nila para i-promote ang kanilang endorsement.
Reaksyon nga ng isang fan account, sana raw ay hindi ginamit na anggulo na may pinagdadaanan ang couple dahil hindi raw naman lihim na minsan nang naghiwalay ang magka-love team.
Hirit tuloy ng mga nagmamaldita, panis daw ang gimmick nila dahil pinasasakay nila ang madla sa dramarama nila.
As of this writing, lumabas na ngang tama ang suspetsa ng netizens dahil may endorsement para sa isang brand ang mag-asawa at ng baby nila.