Advertisers

Advertisers

Frankie nagreak sa kissing scene ng parents sa campaign rally ni VP Leni; Gerald inisnab ang b-day celeb ng syotang si Julia

0 419

Advertisers

SA ginanap na 25th birthday ni Julia Barretto, napansin ng netizens na tila dinedma at ‘di sumipot ang selebrasyon ng bf na si Gerald Anderson.
Kaya naman agad na nagpaliwanag si Julia kung bakit wala ang bf.
Inunahan na nga raw nito na baka ang mga Maritess ay makaisip ng mga tsika regarding sa ‘di pagpunta ni Gerald sa kaarawan ng dalaga.
Ayon kay Julia, eh talagang wala ang dyowa at nasa Masbate anya ito.
Nasa lock in taping nga raw si Gerald para sa bago nitong project.
At baka nga raw umuwi ito para sa post birthday celebration ni Julia.
First time lang kasi nangyari ito na nakasama ni Julia ang mga kaibigan now na 25 years old na siya.
Two years din na sila sila lang magkakapamilya ang magkakasama nung nagdiwang ng kaarawan si Julia.
Kaya sa pagbabalik ni Gerald sa Manila ay tuloy pa rin ang celebration ng birthday ni Julia.
***
SA ginanap na campaign rally ni VP Leni Robredo ay may isang posted pic sa socmed ni Senator Kiko Pangilinan na Vice Presidential aspirant.
Kuha ang larawan nila ni Megastar Sharon Cuneta sa kampanya.
Ang larawan ay ang hahalikan ni Sharon sa pisngi ang asawang si Kiko. Kita naman na kahit medyo ilag ay kita pa rin ang kilig factor.
Nag-captions pa nga sa larawan ang mister ni Sharon ‘ kahit maputi na ang buhok ko kahit saan man ito ang pangarap ko.’
Nire-tweet naman ng panganay nina Kiko at Sharon na si Frankie Pangilinan ang tweet ng ama regarding his pic.
Napa-react si Frankie kasi nga naman napakadaming tao kaya nasabi na lang ng dalaga na ‘get a room.’
Cute naman tignan ang larawan nina Kiko at Sharon. Kahit ang mga netizen na solid Sharonian ay talaga namang kinilig din sa larawan ng couple.
Well, well, well…’Yun na!