Advertisers

Advertisers

Open Water Swimming… START NA SA FINIS PHILIPPINES

0 384

Advertisers

KALANGUYAN na ang open water swimming – isa sa aquatic sports na bahagi na ng Olympic program – sa bibigyan ng masinsin na atensyon at suporta ng FINIS Philippines upang mapalakas ang grassroots development program ng naturang sports tungo sa pagiging world-class ng Pinoy swimmers.

Iginiit ni coach Vince Garcia, FINIS Philippines Managing Director, na kaagapay sila sa paniniwala na isa ang open water swimming sa sports na may malaking tsansa ang batang Pinoy na manginbabaw sa world stage kung mabibigyan nang sapat na tulong at malalatagan ng maayos na programa.

“Imagine we have more than 7,000 islands. Nakapalibot ang karagatan, napakaraming talento na puwedeng sanayin at sa tamang programa kaya nating mag-produce ng mga world-class open water swimmers,” pahayag ni Garcia kahapon sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom.



“We have in the pipeline Open Water Swim Races 5K and 10K debuting on May. Inaayos na namin. We’re finalizing the details. Right now, we’re still open for collaboration para mas marami tayong tournament na magawa para sa ating mga kabataan,” dagdag ni Garcia sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

Sa kasalukuyan, ang pagbabalik sa face-to-face action sa age-group swimming at triathlon ang binigyan pansin ng FINIS sa inorganisang 2022 FINIS Short Course Swim Competition – tatlong serye ng kompetisyon para sa pinakamahuhusay na age-group swimmers sa bansa – na magsisimula sa gaganaping Luzon leg sa Marso 26-27 kasabay ang Kids of Steel Triathlon sa New Clark City Aquatic Center sa Tarlac City.

Nakatakda ang Visayas leg sa Abril 23-24, gayundin ang Mindanao leg sa Mayo 28-29 at ang National Finals sa Hunyo 4-5.

“We have tied-up with the Triathlon Associations (TRAP) para sa age-group triathlon program, isinabay na namin sa swimming competition dahil akma naman ang venue. The original plan nga eh isama na rin yung elite tournament, but we decided to focus muna sa mga bata dahil matagal na rin nabakante ang mga ito at gusto na ring magsilabas ng bahay,” pahayag ni Garcia.

Bukas para sa lahat ang kambal na kompetisyon na naglalayong magbigay ng tamang venue para maipagpatuloy ng mga kabataan ang hilig sa sports gayundin ang kasanayan para sa pagsabak sa iba’t ibang palaro tungo sa katuparan na makalahok sa mas mataas na antas ng kompetisyon at maging bahagi ng Philippine Team.



“Currently, we have already 300 registered swimmers and still counting. Open sa lahat. It’s easy to register dahil may online registration, Register nowFor Kids of Steel, just register @https://register.raceyaya.com/event/finis-sprint-triathlon,” sambit ni Garcia.

Ang kategorya sa Kids of Steel Triathlon ay ang Under 6 : 50 meters Swim – 700M Bike – 200M Run; 7-8 y.o. : 50 meters Swim – 1.5k Bike – 200M Run; 9-10 y.o. : 100 meters Swim – 2k Bike – 1K Run; 11-12 y.o. : 200 meters Swim – 4K Bike – 1.5K Run; 13-15 y.o. : 300 meters Swim – 8K Bike – 2K Run

Inamin ni Garcia na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-organisa ng torneo ang FINIS, ngunit ang suporta sa swimming at triathlon community ay binuno na nang napakahabang panahon.

Suportado ng FINIS ang ilalargang Southern Tagalog Cup na inorganisa ng Swim League Philippines (SLP) sa pamumuno ni Joan Mojdeh sa Sabado, Marso 19 sa Quezon National High School Swimming Pool sa Lucena, Quezon.(Danny Simon)