Advertisers

Advertisers

Para kay Ka Tunying… Lacson pinaka-kwalipikadong pangulo

0 336

Advertisers

PARA sa batikang broadcaster na si Anthony “Ka Tunying” Taberna, si Presidential candidate Ping Lacson ang pinaka-kwalipikadong maging pangulo.
Sa isang vlog entry ni Ka Tunying, pinag-usapan niya ang tungkol sa resulta ng survey. Sinabi niyang hindi dapat mawalan ng pag-asa ang ibang kandidato at laban lang.
Hanggang sa matalakay na rin niya ang proposal noon ni Sen. Lacson tungkol sa formula sana para magkaroon ng isang kandidato ang oposisyon sa panguluhang halalan.
Ang naturang proposal ni Lacson, magfa-file ng candidacy ang mga gustong tumakbong presidente. Pero sa isang partikular na panahon, ang mga kandidato na lilitaw na mas mababa sa survey ay aatras at susuportahan na ang kasama sa usapan na pinakamataas ang survey sa kanila.
Iyon nga lang, sinabi ni Ka Tunying na nakapanghihinayang na tinanggihan kaagad ng isang kandidato ang napakagandang mungkahi ni Lacson.
Dito na rin nasabi ng broadcaster na si Lacson ang pinaka-kwalipikadong maging presidente ng bansa sa lahat ng tumatakbong pangulo ngayon.
“Kahit ako i-bash ninyo ako. Sasabihin ko [ito], sa mga kandidato ngayon sa pagkapangulo, kung qualification ang pag-uusapan I think Senator Ping Lacson is the most qualified,” deklara niya.