Advertisers
Ni WALLY PERALTA
A picture is worth a thousand words at ‘yan talaga ang sadya nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo nang halos sabay silang mag-post sa kanilang social media account ng mga travel photos nila na makikitang sweet na sweet sila hindi lang sa larawan kundi sa mga comment at caption sa kanilang uploaded pictures.
Ang tunay na nagpakilig sa followers ng dalawa ay ng maglagay si Rabiya ng isang world, all in capital letter, na LOVE.
Tila tinuldukan na ni Rabiya kahit walang diretsahan na pag-amin sa dalawa, ang tsikang magsyota na sila dahil sa madalas na pag-post nina Rabiya at Jeric ng mga larawan na magkasama.
Pero by this time ay hindi lang larawan kundi isang video na karga siya ni Jeric sa likod habang pababa ng hagdanan.
Isang non-showbiz guy ang nakarelasyon ni Rabiya na nagtapos habang nasa Miss Universe competition siya samantalang si Jeric naman ay huling na-link kay Sheryl Cruz na kapwa naman nila dinenay.
***
INSPIRED talaga si Carmina Villarroel dahil tila hindi uso sa kanya ang pahinga sa work. Basta may nakitang opportunity ay grab to the max ang byuti ng magaling na Kapuso actress.
Isa kasi si Carmina sa kasali sa bagong offering ng Viva ang kanilang Podcast Network, na ang isa sa show ng nasabing podcast ay ang “Wala Pa Kaming Title” nina Carmina, Janice at Gelli de Belen kasama rin si Candy Pangilinan.
Say nga ni Carmina, parang maritess lang daw silang apat na nakikinig sa usap-usapan sa pali-paligid.
“This is the ultimate chikahan ng mga amigas. It tackles anything and everything under the sun that concerns parents raising teenagers and young adults, with a vibe that is so approachable and friendly. Hindi kami nagpapaka-deep or educational,” say ni Carmina.
Sa kabila ng kanyang pagiging super busy sa mga taping ng show niya sa Kapuso Network, tulad na lang ‘Sarap, Di Ba?” at ang toprating serye niyang “Widow’s Web” ay talagang nakuha pa ni Carmina na magkaroon ng isang podcast show?
Sey ng magaling na aktres, nagiging inspirasyon niya para sumabak sa panibagong project ay ang kanyang mga tunay na kaibigan na kasama nga sa “Wala Pa Kaming Title” podcast show.
“Mahirap talaga maghanap ng totoong kaibigan, hindi lang sa showbiz, and I just feel very lucky and thankful that I found real friends in the industry,” dagdag na say pa ni Carmina.