Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAG-open na sa publiko ang bagong couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, gayundin sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kahit walang opisyal pang pag-amin, at hindi rin naman pahuhuli sina Julie Anne San Jose at Rayve Cruz sa dahan-dahan na paglantad sa publiko ng kanilang relasyon ngayon.
Nadadalas na rin ang halos sabay nilang pag-post ng mga larawan na may bonding and sweet momemts sila together pero ang labis na nagpakilig sa mga supporter ng dalawa ay ang mga litrato nila na karamihan ay kuha sa tahanan mismo nina Julie Anne. Kaya tuloy naging ispekulasyon ng mga netizen na unang inilantad nina Julie Anne at Rayver ang kanilang relasyon sa mga magulang ng dalaga.
Isa pa rin sa kapuna-puna sa karamihan ng mga uploaded photos nila ay hindi nawawala ang kanilang ‘callsigns’ na emoji ng spider at pumpkin. Dagdag pa rito ang nadadalas nilang pagti-tiktok na magkasama.
Inamin ni Julie Anne na sa tuwing magkasama sila ni Rayver ay nagiging masaya siya.
“Kasi mabuti siyang tao, very thoughtful.
We’ve always been close. Sobrang close po talaga namin ni Rayver. We enjoy each other’s company. Sobrang okay talaga kaming dalawa.
“Masaya naman pong maging masaya. Happy lang. Si Lord naman po nakakaalam ng lahat. ‘Yon lang po masasabi ko. We’ll see,” saad ni Julie.
Unti-unti na ngang inilalantad ang kanilang relasyon at opisyal na pag-amin na lang ang kulang.
***
KELVIN DETERMINADO KAYA NAGBUBUNGA NA ANG PAGSISIKAP
MUKHANG may lucky charm itong young actor na alaga ni Tyronne James Escalante ng TEAM Management at isa ring talent ng Sparkle GMA Artist Center na si Kelvin Miranda.
Halos lahat ng seryeng ginawa niya sa GMA7 ay pawang top ratings. Tulad na lang ng “The Lost Recipe” nila ni Mikee Quintos, “Stories from Heart: Loving Miss Bridgette” nila ni Beauty Gonzales at ngayon nga ay ang “Mano Po: Her Big Boss” nila nina Bianca Umali at Ken Chan.
Tsika tuloy na may dalang suwerte si Kelvin sa kanyang showbiz career.
Pero sa likod ng tagumpay na tinatamasa ngayon ni Kelvin ay tulad ng iba pa rin nating sumikat na aktor ay nagdaan din sa matinding pagsubok pero hindi niya sinukuan ang pangarap na bituin.
“I remembered the time when I was just starting. Determinado talaga ako. At hindi ako sumuko sa mga pagsubok na naranasan ko along the way, which being here now reminds me of how important it is to keep going. I was able to reach this because of hard work. I have to keep getting better at fulfilling more goals,” say ni Kelvin.
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Kelvin sa mga taong nagtiwala sa kanyang kakayanan lalo na sa GMA 7 at sa manager na si Tyronne na nagbigay sa kanya ang oportunidad na marating ang kasikatan na tinatamasa ngayon
“That’s why I’m thankful to my network and my manager who gave me opportunities, and encouraged me to continue what I had already started … I’m thankful for everything I have received,” dagdag na say pa ni Kelvin.