Advertisers

Advertisers

Rabiya at Jeric nagkainlaban nang magkasama sa ‘Wish Ko Lang’

0 343

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BASE sa Instagram post ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo, kumpirmadong sila na ni Jeric Gonzales.
Noong Miyerkules kasi ng gabi, Marso 16, 2022, ipinakita ni Rabiya ang sweet moments nila ni Jeric na kuha sa Bohol.
May kuha sila sa overlooking Chocolate Hills na matamis ang ngiti nila habang nakatingin sa isa’t isa.
May isa pa silang kuha na magkayakap habang nakatanaw sa sikat na tourist spot sa Bohol.
Sa isa pa nilang litrato, nakasuot naman sila ng life vest at ang view nila ay sa tabing-dagat.
At kitang-kita ang saya ni Rabiya lalo na sa video na naka-piggyback ride siya kay Jeric habang bumababa ito ng hagdan.
Ang caption niya rito kalakip ng heart emojis ay, “Live. LOVE. Laugh.Thank you, Eric.”
Reply naman ni Jeric kay Rabiya sa comment section ng post: “Let’s be happy together. I love you.”
Makalipas ang tatlong oras, si Jeric naman ang nag-post sa Instagram ng pictures nila ni Rabiya.
Isa rito ay kuha rin sa Chocolate Hills viewing deck. At may isa pang litrato na kuha habang nasa loob sila ng sasakyan.
“To more memories with you @rabiyamateo I love you,” sabi n Jeric sa caption ng IG post.
So, base sa pagsasabihan nila ng I love you sa isa’t isa, ibig sabihin ay talagang magkarelasyon na sila,’di ba?
At bongga si Jeric dahil isang beauty queen ang girlfriend niya huh? At maswerte rin naman sa kanya si Rabiya dahil gwapo at mabait siya.
Ang pagkakaalam namin, mula nang magkasama sina Jeric at Rabiya noon sa Wish Ko Lang, na-develop ang feelings nila sa isa’t isa na naging dahilan para ligawan ng una ang huli.
***
BONGGA si Marlo Mortel, huh! Dahil isa siya sa pinakasikat sa KUMU, maraming followers, at maraming nanonood sa kanyang live streaming bukod pa sa consistently winning sa mga campaign.
Kaya binigyan siya ng KUMU ng billboard, at ‘yung iba pang mga sikat din sa KUMU, along Shaw Boulevard.
Hindi nga ini-expect ni Marlo na mapapansin siya sa KUMU, na magiging matagumpay siya bilang live streamer.
Malaking tulong din ito sa kanya noong nag-start siya sa KUMU two years ago, dahil naging source of income niya ito, since madalang ang raket dahil sa pandemic.
Isa si Marlo sa top-earner sa KUMU. Grabe ang mga virtual gifts na natatanggap niya sa kanyang followers kapag may live streaming siya.
Bukod pa rito, naging source of happiness and strength din niya ito bilang dumaan siya sa matinding emotional breakdown. Mas dito niya nailabas ‘yung sarili niya sa mga tao, sa mga fans/supporters all over the world, sa pamamagitan ng pagkanta.
Sa pagkakaroon ng billboard sa Edsa, ang masayang sabi ni Marlo sa kanyang KUMU account, “This is insane! I can’t believe I have my very own billboard along Edsa at this time of pandemic! Big thanks to the KUMU family for choosing me alongside these talented people. You’ve seen my biggest blessing!
“I can’t imagine what my life would’ve been without this kumunity. I learned a lot and was able to thrive and grow as a person. I appreciate everyone who keeps on giving love on my streams, for believing in my music. You guys keep me going!
“Thanks to everyone who made my KUMU journey so special and memorable!
“To my ‘Team Kumu Marlo’ family, I have nothing but mad love and gratitude for you all! Cheers to more fun, laughter and good energies!