Advertisers

Advertisers

Sheryl pinuri ang husay sa akting ni Bruce

0 200

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

LABIS ang tuwa ng Kapuso young male actor na si Bruce Roeland dahil sa tinanggap niyang papuri mula kay Sheryl Cruz!
Guests sina Sherlk at Bruce sa upcoming brand new episode ng Magpakailanman na ipalalabas ngayong Sabado, March 19, 8 pm, sa GMA.
Pinamagatang The Illegal Wife, mag-ina ang gagampanan nina Sheryl (bilang si Sonya) at Bruce (bilang si Peter) sa Magpakailanman na binanggit ng aktres na rebelasyon si Bruce sa naturang episode dahil napakahusay nito sa kanyang mga drama scene.
Tinawag na “Waterfalls” ni Sheryl si Bruce.
Ang ibig sabihin kasi ng sinabi ni Sheryl na “waterfalls” si Bruce ay walang patlang ang pag-agos ng mga luha ng binata sa kanyang mga eksenang drama sa Magpakailanman.
“Galing sa kanya, like parang, feels like I’m dreaming, parang hindi totoo,” hindi makapaniwalang reaksyon ni Bruce sa sinabi ni Sheryl na napakagaling niyang artista. “Kasi isa siya talagang sobrang galing, sobrang galing talaga sa set .“Kitang-kita talaga yung pagkabeterana niya and hindi lang ho siya, pati si Gary Estrada, ang napakagaling na direktor namin na si direk Gina, so yung vibe po talaga ni direk, sobrang supportive.
“Even po na drama po siya sobrang saya po behind the scenes so I’m very excited for this show,” pagtukoy pa ni Bruce sa The Illegal Wife episode ng Magpakailanman.
Kasama rin sa cast ng naturang Magpakailanman episode si Raquel Monteza as Marietta.
Ang The Illegal Wife episode ay sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Karen Lustica.
***
MATAPOS mamalagi ng dalawang taon sa Japan ay umuwi sa Pilipinas ang two-time world artistic gymnastics championships gold medalist na si Carlos ‘Caloy’ Yulo.
Nagkaroon si Caloy ng pagkakataon na dumalo bilang espesyal na panauhin sa pagbubukas ng bagong training facility ng mga Pinoy gymnasts, ang MVP Sports Foundation Gymnastics Center sa Intramuros, Manila,
Tinanong si Caloy kung ano ang nararamdaman niya kapag nakikita at nakakasama niya ang mga baguhan at mas nakababatang gymnast na halos lahat sa mga ito ay nais sundan ang mga yapak ni Caloy, natutuwa raw siya na maraming kabataan ang nagnanais na maging gymnast.
Naniniwala raw siya na kaya rin ng mga ito na maging isang world champion na kagaya niya.
March 1 dumating si Caloy kasama ang Japanese coach niyang si Munehiro Kugimiya at March 6 naman sila bumalik sa Japan dahil dadalo si Caloy sa college graduation niya second week of March sa Teikyo University kung saan nagtapos si Caloy ng kursong Department of Humanities.
Two years ang naturang kursong tinapos ni Caloy at sa Abril ay kukuha naman siya ng kursong Medical Sports o Physical Therapy.
March 5 namin personal na nakausap si Caloy sa mismong ribbon-cutting ceremony ng MVP Sports Foundation Gymnastics Center na kabilang din sa mga panauhing pandangal sina Former Philippine President Gloria Macapagal- Arroyo at Mikee Cojuangco-Jaworski na pinakaunang Asian woman na na-elect bilang Executive Board Member ng International Olympic Committee.
Mahalaga rin ang naging partisipasyon sa event nina International Gymnastics Federation President Morinari Watanabe; Philippine Sports Commission Commissioner Celia Kiram; President of Gymnastics Association of the Philippines Cynthia L. Carrion, at Jude Turcuato, ang Head of Sports for PLDT/Smart/Executive Director MVP Sports Foundation.
Kabilang sa mga sponsor ng event ay ang Toda Enterprise, Yokohama Marine & Merchant Corporation at Higashi Nihon Koun Co. Ltd. na ni- represent ni Jun Basas Esturco.