Advertisers

Advertisers

BAKIT KAILANGANG IBASURA NA NG MGA TAGA-QC SI JOY BELMONTE?

0 522

Advertisers

KUNG pulso at kagustuhan ng mga taga-Quezon City ang masusunod, nais na nitong wakasan ang ilang taong panunungkulan ng mayorang nagpakita ng kawalang malasakit sa kapakanan ng mamamayan ng siyudad.

Napakaraming kadahilanan kung bakit nais na ng mga taga-Quezon City na ibasura na ang kanilang kasalukuyang alkalde.

Una na rito ang nabulgar na anomalya sa pagbili ng ipinamigay na ayuda sa kasagsagan ng pandemya kung saan nabuko na may malaking tongpats ang bawat pack ng grocery items na ipinamahagi.



Umabot ng halagang P426,737,499.90 ang total na halagang ipinambili para sa 526, 934 kahon ng food pack na may overprice na nagkakahalaga ng P193 milyon.

Dahil dito, sinampahan si Mayor Joy Belmonte ng kasong pandarambong sa Office of the Ombudsman.

Take note, dear readers, PANDARAMBONG!

Ang nagsampa ng kaso ay si Clement Joy Mercado, kawani ng Engineering Department ng Quezon City Hall.

Bukod sa nakakahiyang kasong pagnanakaw na hinaharap ngayon ni Mayora Joy, inirereklamo rin ang lady chief executive ng mga legit operators ng PCSO Lotto outlets dahil sa pagiging inutil nito na masugpo ang iligal na operasyon ng mga bookies ng isa umanong kaibigan ng pamilya Belmonte na kinilala sa alyas na PERRY KABAYO.



Makailang beses na umanong dumulog sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte ang mga lotto outlet operators ng Quezon City upang ireklamo ang malaganap na operasyon sa iligal na bookies ni PERRY KABAYO at ang pakner nitong si alyas TISAY gaya ng PERYANG BAYAN, lotteng (jueteng) at EZ2 ngunit hindi rin umano tuminag at kumilos dito ang Office of the City Mayor.

Bukod sa operasyon ng iligal na sugal sa hurisdiksyon ng Quezon City, talamak din ang presensiya ng droga sa halos bawat sulok ng siyudad partikular na sa mga depressed areas.

Maliban dito, napuna rin na sa kabila ng napakalaking yearly income ng lungsod, napag-iiwanan din ang Quezon City sa pagbibigay ng ayuda sa mga mag-aaral ng siyudad.

Kung sa Makati, Taguig, Pasay at Manila ay libre ang uniporme, sapatos at iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral, sa Quezon City ay nganga ang mga estudyante.

Nagtataka ang mga residente ng Quezon City kung saan napupunta ang napakalaking pondo ng siyudad.

Malinaw lamang umano ng hindi maayos na napapalakad at naaasikaso ni Mayor Belmonte ang pagpapatakbo ng siyudad.

Nalalambungan na rin ng korapsiyon ang liderato nito na naganap pa sa gitna ng isang matinding krisis kung saan, mas lalong kinakailangan ng mga mamamayan ng tapat at masigasig na pagtulong mula sa city hall.

Benggatibo rin umano ang liderato ni Belmonte dahil kahit pa nga tapos na ang eleksyon ay ginigipit pa rin nito ang mga nakalabang pulitiko noong 2019 na ang direktang tinatamaan at napeperwisyo ay ang mga walang kinalamang mga constituents ng Quezon City.

Karamihan sa mga lugar na pinamamahayan ng mga pinakamahihirap na sektor sa QC gaya ng sa Payatas, Commonwealth, Novaliches at Fairview ay nananawagan na umano ng pagbabago at pagpapalayas sa inutil na alkalde.

Lalo lamang umanong lumaki ang bilang ng mga mahihirap at walang trabaho nang maupo si Joy Belmonte sa city hall.

Malayung-malayo umano ito sa pamamalakad ng kanyang amang si former Mayor Sonny Belmonte na masigasig at masipag na tumulong sa mga kababayang taga-Kyusi.

Kung ganito na pala ang sintemiyento ng mga taga-Quezon City laban sa kanilang alkalde, may alternatibo naman silang pamimilian para sa mas ikabubuti ng kanilang buhay at kinabukasan ngayong darating na Mayo 9, 2022.

Ibasura na ang mga dapat ibasura.

Palitan na ang dapat palitan.

Quezon City folks deserve a much better leader.

‘Yung may konsensiya at malasakit sa tao!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com