Advertisers

Advertisers

MRRD-NECC sumuporta sa BBM-SARA tandem

0 624

Advertisers

LALO pang lumakas at lumawak ang tambalang Bongbong Marcos-Inday Sara at kanilang Uniteam matapos magpahayag ng buong suporta ang mga lider at kasapi ng MRRD-NECC (Movement for Reform and Regional Development toward New Economic Cultural Cooperation) sa loob at labas ng bansa.

Ang naturang grupo na may bilang na higit kumulang isang milyong miyembro ay instrumental sa pagpapatakbo at pagkakapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016. Ang MRRD-NECC ay siyang nasa likod ng kampanyang Run Duterte Run noong taong 2015.

Sa isang pagtitipon nitong Biyernes sa Quezon City, isinapubliko ng MRRD-NECC ang kanilang manipesto ng pagsuporta sa BBM-SARA tandem.



Binasa ang manipesto ni Atty. Diosdado Padilla na tumatayong legal counsel ng grupo. Ang MRRD-NECC din ang nanguna noon sa pagtatayo ng Partido Federal ng Pilipinas na siyang partido ni Marcos sa kasalukuyan.

“We believe Bongbong Marcos and Sara Duterte will be a perfect tandem wth the best character, credibility, experience, competence and leadership ability to guide and steer our country for continuity, security, recovery and economic growth. We will remain united with Bongbong Marcso and Sara Duterte in our common objective of promoting the unity of the whole nation, our countrymen and our organization,” ani Atty. Padilla.

Sa isinagawang malakihang pagpupulong, isa-isa ring nagpahayag ng suporta ang mga representante ng iba’t-ibang sektor na nakaanib sa MRRD-NECC, kabilang na dito ang mga manggagawa, urban poor, magsasaka, mga katutubo, mga OFW, mga kasapi ng LGBTQ at iba pa.