Advertisers
WALA pa, sa ngayon, sa anumang lugar sa lalawigan ng romblon na itinuturing ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police na ‘election hotspot’ ngayong Election 2022.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Supervisor Grollen Mar Liwag, nakipagpulong na ito sa Romblon Police Provincial Office at ibinalita sa kanya na walang binabantayang lugar sa lalawigan na mataas ang tsansa ng gulo dahil sa eleksyon.
Dagdag pa ni Atty. Liwag, tuloy-tuloy ang ugnayan nila ng Philippine Army at ng Romblon Police Provincial Office upang masigurong ligtas ang halalan ngayong taon.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Liwag na hindi kailangan ng isang Pilipino ang bakuna o vaccination card para makapag-boto sa darating na halalan.
Aniya, ang pagiging rehistradong botante sa bansa ay sapat na para payagang bumoto ng kanilang gustong ihalalal sa isang posisyon.
Pero para masiguro aniya ang kaligtasan ng mga botante sa darating na araw ng botohan, maglalatag ng mga thermal scanners sa labas ng mga election precincts o di kaya ay sa mga labas ng paaralan para masiguro na lahat ng pumapasok rito ay walang sintomas ng Covid-19.
Kung sakaling may lagnat ang botante, may isolation room umanong pwedeng pagdalhan sa kanila kung saan sila makakapagboto.
Muli namang nagpaalala si Atty. Grollen Mar Liwag sa mga kandidato na dapat sa mga identified na common poster areas lamang pwedeng maglagay ng kanilang mga election paraphernalia at hindi sa mga puno, o sa mga lugar na hindi pinayagan ng Comelec.
Dapat rin umanong siguraduhin ng mga kandidato na nasusunod ang sukat na itinakda ng Comelec.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.