Advertisers

Advertisers

Diehard DDS Mocha Uson, lumipat na at sumuporta kay Isko

0 198

Advertisers

SINORPRESA ng kilalang Diehard Duterte Supporter (DDS) na si Mocha Uson nitong Biyernes ang mga tagasuporta ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso nang lumitaw ito sa town hall meeting sa Kawit, Cavite at inanunsyo ang kanyang paglipat ng suporta sa alkalde ng Maynila.

“Mayor Isko, alam niyo po bang taga-Maynila ako. And I voted for you as mayor in 2019. At sa presidential elections sa Mayo, switch to Isko na po ako,” pahayag ni Uson sa harap ng naghihiyawan sa tuwa ng mga daan-daang tagasuporta ng Team Isko. Si Uson ang first nominee ng Mothers for Change (Mocha) party-list.

Bago ang Kawit town hall meeting, si Moreno kasama ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong, Aksyon Demokratiko senatorial bets Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison, gayundin ang guest candidate na John Castriciones ay nag-motorcade at dumaan sa lungsod ng Bacoor at Imus.



Tulad ng mga nakaraang motorcades, si Moreno ang siyang center of attraction, kung saan ang mga tao ay naglalabasan mula sa kanilang bahay upang kumaway sa guwapong alkalde habang ang iba naman ay pilit na nakikipagkamay sa kanya habang sakay ng float truck.

Nitong Huwebes, ilang sectoral groups ang magmartsa sa campaign headquarters ng Isko Moreno Domagoso for President sa Intramuros, Manila upang ipaalam ang kanilang suporta kay Moreno at sa kanyang vice presidential bet na si Doc Willie Ong.

Sina Doc Willie at Aksyon senatorial bet Dr. Carl Balita ay kadadating lamang mula sa sortie sa Bohol province bilang bahagi ng strategy ng Team Isko na mas maraming malibot na lugar dahil malapit ng umabot sa kalahati ng itanakdang panahon ang national campaign.

Mula sa airport ay dumiretso si Doc. Willie sa campaign headquarters upang harapin ang mga lider at miyembro ng sectoral groups kabilang na ang Maritime Para Kay Isko, Dyip ni Isko/Yorme, Letranista Para Kay Isko, Samahan ng Magsasaka, Isang Bangka, Isang Diwa, at PARDSS FII o Peace Action and Rescue with Dedication to Serve the Society, isang non-governmental organization na naka-registered sa Securities and Exchange Commission at ang misyon ay tulungan ang Pilipinas at iba pang local government units sa pagpo-promote ng kapayapaan, pagkakaisa, kaligtàsan ng publiko at kaunlaran ng bansa.

Nakipagkita rin si Ong sa Manila’s Finest Force Multiplier’s Alliance, isang umbrella organization kung saan ang mga miyembrong grupo ay kinabibilangan ng Diamond Group, ACCERT, JTF Guardians, Mata ng Maynila, Batang Maynila Anti-Crime Group, Made in Manila Movement, AFCAG-CBP, at CIG-Manila.



“Unang-una po nagpapasalamat po ako sa lahat sa inyo talaga. Na touch ako, taos-pusong pasasalamat sa lahat sa inyo sa pagpapakita nyo ng suporta sa amin,” sabi ni Ong.

Sinabi ng 58-anyos na si Ong na isa ring cardiologist at internist sa mga taga-suporta ng Team Isko na hangarin niyang makatulong sa mahihirap upang magkaroon ito ng access sa quality medical services. Ito rin ang dahilan kaya siya tumatakbo bilang VIce President.

“Alam nyo hindi talaga ako politiko, hindi ako trapo, ayokong magsalita ng peke. Twenty seven years na akong doctor, isa akong cardiologist at internist, magulang ko may kaya, maayos sila pero pag nakikita ko yung mga mahihirap na nakikita nyo sa kalye… kasi pinupuntahan namin eh. Yung mga pasyente sa Tondo, sa ibang lugar pinapasok ko talaga yung bahay nila kami ni Doc Liza,” ayon pa kay Ong.

“So,pagpunta ko sa bahay nila nakita ko talaga sobrang init ng yero diba?Tapos yung bata may sakit, yung nanay hirap na hirap talagang walang pag-asa sa lugar.Kaya lagi kong naiisip yun kung papaano ang gagawin natin.Sa tagal kung doctor ganun pa rin ng ganun,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Ong na namulat ang kanyang mata sa matinding pangangailangan ng bansa na magkaroon ng magandang healthcare system nang mag-ikot sila ni Moreno sa bansa para sa kanilang Listening Tour noong isang taon at sa simula ng kampanyahan.

“Galing kami sa Bohol biro mo walang gamot sa high-blood, walang gamot sa diabetes, wala silang pang opera, ni amlodipine walang libre.Paano mabubuhay ang mga tao don?Ni pang kubeta wala.Talagang grabe ang corruption,diba?” sabi ni Ong.

“Magkano ang sweldo ng vice-president? P200,000 lang eh bakit may gumagastos ng bilyon-bilyon? Ay naku, huwag na nating pag-usapan. Mga senador magkano ba ang sweldo? P100,000 meron silang P500 million, paano mababawi? So, yun talaga, ang daming problema,” pagdiin ni Ong.

Sinabi ni Capt. Rene Modelo sa kanilang manifestation of support na kaya nila sinusuportahan si Moreno at Doc Willie dahil naniniwala sila na ito ang mga tamang lider na susuporta sa may 380,000 Filipino seafarers. (ANDI GARCIA)