Advertisers
SABI nga ni Jose Ma. Montelibano “I must say that recognizing the phenomenon called LENI at this point in the Ides of March 2022 is not a challenge anymore except for those pretending to be deaf and blind.” Sa kalagitnaan ng Marso, ibinansag ni G. Montelibano na IDES OF MARCH 2022, mararamdaman ang pag-akyat ng init ng kampanya, sabay sa pag-init ng tag-araw. Dito mararamdaman din ang paspas sa kilos, dahil batid ng mga kandidato ang ikli ng panahon para ipabatid sa madla ang kani-kanilang plataporma at plano de gobyerno. Dito, masasaksihan ang kanya-kanyang pakulo. Pagalingan, pabonggahan at pakwela. Pero dahil sa isang kandidato nakitaan ng matino at maayos na programa na hindi nakasangkot sa pangako kundi sa gawa, hindi makakaila ang daluyong ng kulay kalimbahin na binabaha sa bansa sa kasalukuyan.
Ipinakita ito ni Leni Gerona Robredo sa taumbayan na tumutuya sa mga pangakong napapako. Iba ang enerhiyang nanggagaling sa isang Leni rally. Makikita sa mga dumadalo dito. Nagparang bakal sa kiniskis sa alnico magnet. Nagiging magnet din sila sa positive vibes. Nagngingitian, nagbibigayan na walang kapalit na anuman. Kung ano ang inumin o pagkain, pagsasaluhan. Isang dambuhalang piknik na nakatayo, habang iwinawagayway ang anumang kalimbahin na tangan.
Oo, aminado ako na magnetize din ako. Sa totoo lang lahat ng katangian na hanap ko sa magiging timon ng bansa nakita ko, narinig, sa butihing balong ito, sampu ng kanyang bise at mga senador. Kaya huwag magtampo kung ang inyong abang lingkod ay hindi pumusta sa tangan mong manok. Sa kalaunan, anuman ang napupusuan na kandidato panalangin ko ang masaya, mapanuri at matiwasay na eleksyon. Dahil paghupa ng lahat, ‘eka nga sa awit ni John Cougar Mellencamp na Jack and Diane :”Oh yeah life goes on”. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
GAYA ng ipinangako ko nung nakaraang isyu, itutuloy ko ang isinulat ko. Ito ay reaksyon ko sa sinabi ni Zandro Marcos na “we are not commoners.” Ang ibig sabihin ng anak ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay hindi pangkaraniwang tao. Ang kanilang lipi ay nakaangat sa atin lahat. Siguro nararapat lang na ibaba ng kaunti ang persepsyon ng batang ire. Simulan natin sa konting balik-tanaw sa pinanggalingan ng pamilya nila, partikular ang pinanggalingan ng kanyang lola si Imelda. Si Imelda ay anak ni Remedios De Guzman o Meding tubong Baliuag Bulacan. Walang katiyakan ang ama dahil anak si Remedios sa pagkadalaga ng inang si Marciana. Nagtrabaho si Meding sa Asilo de San Vicente o Looban Convent kung saan natuto magburda, maggantsilyo, magluto, atbp. Noon kilala ang Asilo de San Vicente ng mga tanyag na pamilya dahil sa kanilang pagkain at burda. Noong 1928, nakilala ni Meding ang ina ni Orestes Trinidad. Naghanap ang ina ng mag-aalaga sa mga anak ng nabalong anak niya si Orestes. Hindi kalaunan naging asawa ni Orestes si Meding.
Ngunit hindi maganda ang pakikitungo ng mga anak sa una ni Orestes at ang mala-telenovelang buhay ni Remedios ay nagwakas at namatay si Remedios sa sama ng loob noong 1938. Kaya utang na loob Zandro, ilapag ng kaunti ang mga paa mo sa lupa dahil ang talambuhay ninyo ay hindi pang-alapaap. At kung ano ang naikwento sa iyo hinggil sa katanyagan ng pamilya ninyo, ito ay kabulaanan. Napaka-komun. At napaka “commoners”. Alam mo ba bakit ipinangalan sa lola mo sa tuhod ang pinakamalaking tipak na binuo sa pagtatagpi sa tatlo o apat na munisipyo sa Bulacan? Ang Doña Remedios Trinidad sa Bulacan? Ito ay bunga ng kapritso ng lola mo nang pilitin ang Lolo Ferdie mo na gumawa ng presidential decree 1136 na bumuo ng bagong distrito bunga ng pagtapyas ng lupain mula San Miguel, Norzagaray at Angat.
Pati ang DRT Highway na patungong Nueva Ecija ay ipinangalan sa lola mo sa tuhod dahil gusto ng lola mo na “i-level-up” ang imahe ng lola mo sa tuhod. Sa maikli ang ito ay bunga ng kapritso ng lola mo. Walang masama sa pinanggalingan mo. Ang abang pinanggalingan ay kailanman hindi dapat ikahiya. Ang masama ay piliting ipaangat ang estado ng yumao mong lola sa tuhod. At sa pagsusuri ko sa pagkatao ni Meding ayaw niya ito sigurado. Ang Bulacan ay kanlungan ng mga bayani katulad ni Marcelo H. Del Pilar, Isidro Torres Gregorio Del Pilar, at Mariano Ponce. Sa palagay ko hindi gugustuhin ni Aling Meding ang pilit siyang inangat dahil lang sa kapritso ng lola at lolo mo. Masahol pa ito sa pagbalewala sa alala niya, dahil ito ay huwad. Hindi rin papayag ang lola mo sa tuhod na balewalain ang kadakilaan ng mga nabanggit kong pangalan. Sa palagay ko ayaw ng lola mo sa tuhod yan.
***
Mga Piling Salita:
“Grabe din talaga Ng panggigipit na ginawa ni Duterte kay Leila De Lima. She’s been in jail for 5 years now. She doesn’t have the luxury of anything other than paper and a pen. Yet she was able to pass 142 bills and 146 resolutions over those 5 years in detention” – Facebook netizen
“TAX FREEZE ON OIL PRODUCTS NOW!
To alleviate the public’s burden due to the incessant oil price increases, there should be a freeze on the excise tax on petroleum products at its present absolute rate.
This is a win-win situation for the government, consumers and the transport sector. The government could still collect needed revenue, at malaking tulong ito para mapagaan ang epekto ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa araw-araw na bilihin.
The Executive Department is empowered to make such a move under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, kaya huwag sanang magpatumpik-tumpik pa sa pagkilos ang gobyerno. Nahihirapan na ang taumbayan sa mahal na presyo ng petrolyo at bilihin.
SUSPEND FUEL EXCISE TAX NOW!!!” – Dean Chel Diokno
“Takderak nga iti Ili laeng ti Alcala, adukami a naibalbalod, adukami, karaman dagiti kabagyak ken gagayem ko a natnatay. Nariknak ti kinadawel ti Martial Law. Isu nga nu ibagbaga da a nasayaat ti Martial Law, por dios por santo, saan kayo a mamati kadayta” – Tin Antonio, punong-bayan, Alcala Cagayan
“Buong buhay ko nagbabayad ako ng tax. Advanced pa. Pag tanggap ko sa sweldo ko nabawas na kaagad yung tax. Nauna pa nila natanggap ang parte nila kaysa sa akin kaya: MALAKI ANG KATANGAHAN NG BUMOBOTO SA TAX EVADER AT SINUNGALING.”- Michael Go
***
QUOTE UNQUOTE: “My brother is sensitive. He gets hurt when he’s being criticized.” ~ Imee Marcos
“Hindi puedeng presidente ang manipis, ang maramdamin. Dapat sa kanya drama actor kasi madali niyang napapalaglag ang luha sa kanyang mga mata.” – Philip Lustre Jr.
“Kung walang eyebags, hindi yan 18 hrs nagtrabaho.” – Cynthia Villar
“Kung walang drone shot, hindi yan 500K. Quits?” – Logie Kiniko
***
mackoyv@gmail.com