Advertisers

Advertisers

James mas patok sa music kaysa pagiging aktor

0 183

Advertisers

Ni BETH GELENA

IN-UPLOAD na ni James Reid ang kanyang music video na may titulong ‘Hello’ na sina Nadine Lustre, Liza Soberano at Nancy McDonnie ng Momolamd ang featured guests.
Umapir ang tatlo sa MV ng Hello na collab nina James Jay B, at ØZI.
Tinawag ni James ang MV na Legends Only na umapir ang mga respective circle of artists na mga Pinoy singers singer, Jay B of the K-pop group Got7, at Taiwanese-American rapper ØZI.
Aside kina Nadine, Liza at Nancy, naroon dina sina Enrique Gil, Maris Racal, Zack Tabudlo, Mimiyuuuh, at Ylona Garcia.
Si Nancy ay makikita sa portion ni Jay B sa music video.
Ang updated version of the track is said to honor Asian talent through a collaboration “that touches on the importance of saying ‘hello’ as a reminder that our bonds are what make living in these unprecedented times worthwhile.”
Maraming humanga sa ginawang music video ni James.
Sabi nga ng mga netizen, music daw talaga ang forte ni James at doon na lang daw siya mag-concentrate.
***
MAYMAY NAMI-MISS NA ANG BF
MISS na raw ni Maymay Entrata ang boyfriend.
Kasalukuyan pa rin yatang nasa Canada ang young actress.
Sa sobrang pagka-miss sa kanyang Valentino ay muling nag-upload ng picture nito si Maymay.
Wika naman ng netizen sa bagong upload pix ng jowa, “Hawig niya yung asawa ni Belle Daza.”
“Wagi si mumsh! Di naman kamukha ni tinder swinder”
“San mkhnap ng afam n gnyn…? lol”
“Mas gwapo pala pag naka side view =.at sya nga pala di yung man kahawig tindler swindler actor.”
“Lucky girl! Gwapo bf ha. Bashers wag muna kayo magkalat ngayon.”
“Kung may magandang nadulot sa mga artista yung pagsasara ng network, yun yung naging malaya sila. Like maymay now. Dati kasi pretentious nya”
“Huh? Anong konek? Malaya siya kasi she now knows who is real and not. She now appreciates herself at nag-explore siya outside her circle. Mema ka lang makonek fake news pa. Di pa po sarado abs, di lang nirenew franchise. Magkaiba iyon ateh.”
shocks, wag naman sanang si gurl ang patay na patay.”
Hahaha nagalit ang fan ni Maymay, “You have the most NEGATIVE comment. Get a life. LOSER!!!”
***
ELLEN WINARNINGAN ANG NETIZEN KAPAG MAY PART 2 ANG PANAGINIP KAY DEREK
ISANG netizen ang nagkwento na siya raw ang third party sa napanaginipan niyang hunk actor na mister ni Ellen Adarna, si Derek Ramsay.
Pinost ni Derek ang napakwentong netizen na aniya’y panaginip niya.
“Napanaginipan ko c Derek at ellen…nag cheat daw c Derek kay Ellen at ako ung third party LOL Nahiya naman sa beauty ko LOL.”
Dagdag pa niya, galit na galit daw si Ellen sa kanya, pero nag-sorry naman daw siya dahil panaginip lang naman iyon. “Ako pa talaga…jusmiyo!!!. Galit na galit sakin c Ellen. Sorry Ellen ha, panaginip lang un,”
Pabiro namang sumagot ang Bisayang aktres.
“Baka pagtulog mo mamaya may part 2 panaginip, patay kana sa panaginip mo (laughing emojis). lololol! Joke”
Sagot pa ng netizen, tawang-tawa siya dahil dinuro-duro pa siya ni Ellen sa kanyang panaginip kaya aniya, lalayuan niya na si Derek sakaling magkaroon ng karugtong ang kanyang panaginip.
Ang dami talagang kababaihan na nababaliw sa hunk aktor.
Imagine maging sa panaginip nadadala nila ito. Relate ang inyong lingkod sa panaginip ng girl.
Nangyari rin po sa akin na mapanaginipan ang aking ultimate crush actor na si Papa P
Imagine sa panaginip, magkarelasyon kami at nagsasama.
Napakagandang dream yun dahil talagang good provider si Papa P at napakabuting tao.
Hindi pa yun, may part 2 ang panaginipnko as in continuation sa nauna.
O di ba? Sa panaginip man lang ay magkaroon kayo ng relasyon ng hinahangaan ninyo.na feeling ko ay totoong totoo.
At nanghinayang pa ako pag gising ko mister ko pala.ang katabi ko, hayst. Hahahaha.