Advertisers

Advertisers

MOCHA: SI ISKO ANG BATANG PANGULONG DUTERTE!

0 442

Advertisers

PINAKAHULING sumakay sa bandwagon ng ‘Bilis-Kilos’ ng Aksyon Demokratiko political party ay si Margaux ‘Mocha’ Uson na kilalang diehard supporter ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sa Kawit, Cavite nitong Biyernes, Marso 18, masayang inianunsiyo ni Mocha na Isko diehard na siya — na sinagot ng mga nagkakatuwaang supporter ni presidential aspirant Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng ‘Yorme, Yorme, Mocha, Mocha!’

Bakit siya nag-switch kay Isko, sinabi ni Uson na nakikita niya si Yorme Isko na siyang batang version ng iniidolong Presidente Duterte.



“Nakita ko kay Isko ang ating batang Pangulong Duterte na talaga namang mainit ang paninilbihan sa ating bayan,” sabi ni Mocha — na inamin na noong 2019 mayoralty election sa Maynila, si Yorme Isko ang kanyang ibinoto.

Para kay Mocha na may milyon-milyong tagasunod sa kanyang vlogger, “nakakabilib ang kanyang bilis-kilos’ na ang pruweba ay ang maraming proyektong ginawa sa Maynila.

“‘Yung iba pinapangako pa lang nila, nagawa na ni Yorme Isko sa Maynila.  Kaya nag- switch to Isko na po ako. Kung ano ang ginawa niya sa Maynila,  naniniwala ako, magagawa rin niya sa buong bansa,” sabi ni Mocha.

Naniniwala si Uson na ini-appoint ni Duterte sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Presidential Communications Operations Office (PCOO), at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kung magiging pangulo si Yorme Isko, ipagpapatuloy nito ang ‘Build, Build, Build Program’ at maraming reporma sa gobyernong Duterte.

“‘Yung bilis-kilos niya laban sa pandemya, maraming tao ang nailigtas ang buhay, at ‘yon ang gusto ko kay Yorme Isko, mahal niya ang tao, tulad ni Pangulong Duterte,” sabi ni Mocha sa media.



Kandidatong first nominee ng Mothers for Change (Mocha) partylist si Uson na ang hangad ay katawanin ang mga inang biktima ng pag-abuso, single mother, overseas Filipino Workers (OFWs) at proteksiyonan at tulungan ang lahat ng mga kabataan, lalo na ang iniwan ng mga magulang at mga ampon at batang-lansangan.

Unang Duterte Duterte Supporters na nag-switch kay Isko ay si aktres Vivian Velez, dating Agrarian Secretary at kandidatong senador John Castriciones, at DILG Undersecretary Martin Dino.

“Mag-switch na rin kayo kay Isko!” sabi ni Mocha sa Cavite media.(BP)