Advertisers

Advertisers

Nagsilustay sa pondo ng TUPAD sinasaliksik ng DOLE!

0 1,650

Advertisers

PAWALA na ang matinding epekto ng COVID-19 na halos lahat ay dumanas ng paghihirap dahil walang mga trabaho.., ngayon naman ay puspusan ang pananaliksik ng DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) upang mapanagot ang mga GOVERNMENT OFFICIAL na nagsilustay sa pondo ng TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGE/DISPLACED (TUPAD).

Ang DOLE ay naglaan ng asisteng pinansiyal sa mga nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng TUPAD.., subalit, may mga nagsipaglustay ng pondo na ang mga ito ang pinagtutuunan ngayon ng ahensiyang pinangangasiwaan ni LABOR SECRETARY SILVESTRE BELLO III katuwang ang OMBUDSMAN.

Nitong nagdaang Linggo ay ipinag-utos ni OMBUDSMAN SAMUEL MARTIREZ ang isang “MOTO PROPIO INVESTIGATION” laban sa mga nagsipaglustay ng milyon-milyong pondo na dapat ay laan para mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggawa sa informal sector.., na maging ang NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ay nag-iimbestiga hinggil sa kurapsiyon nitong kasagsagan ng pandemya.



Unang masasampolan sa imbestigasyon ng OMBUDSMAN hinggil sa isyung paglustay ng pondo ay sina QUEZON CITY DISTRICT 5 REPRESENTATIVE ALFRED VARGAS; DISTRICT 1 REP. ONYX CRISOLOGO; at DIST. 2 REP. PRECIOUS HIPOLITO-CASTELO.., na base sa pahayag ni SEC. BELLO ay may sapat umanong ebidensiya ang NBI sa mga kasong kanilang isasampa laban sa mga POLITICIAN at mga kasabwat noong kasagsagan ng COVID-19 PANDEMIC.

Masampahan.man ng kaso ang mga ito ay siguradong matagal pang COURT HEARINGS ang magaganap dahil karapatan ng mga nasasangkot na idepensa ang kanilang mga sarili.., na kung matatalo ang mga inaakusahan ay mag-aapela ang mga ito hanggang aabot sa SUPREME COURT na dekadang taon ang lilipas bago magkaroon ng pinaleng hatol.., kaya naman, maraming mamamayan ang nagtatanong kung kailan magkakaroon ng mabilis na pagdinig at pagpataw ng hatol.

Gayunman ay walang magagawa ang mamamayan para mapabilis ang mabagal na JUSTICE SYSTEM sa ating bansa..,, na ang.makapagpapabago nito ay tanging mga LAW MAKER; subalit, ano na lamang ang kahihinatnan ng sambayanan kung ang mga masasangkot naman sa kurapsiyon ay mismong mga LAW MAKER?

Tulad sa mga iniaakusa laban kay REP. VARGAS na umano’y pinagkakuwartahan pa ang kaniyang mga constituent sa pamamagitan ng bogus na PALUPA AT PABAHAY sa kanilang distrito.., na ilan sa mga naunsiyami ay naghain na ng demanda sa OMBUDSMAN.

Si Vargas ay patapos na sa kaniyang termino bilang CONGRESSMAN, subalit ang mga kasong kaniyang kinakaharap ngayon tulad sa bogus na PALUPA AT PABAHAY dagdag pa ang kasong paglustay umano sa pondo ng TUPAD PROGRAM ay maaaring maraming taon pa ang lilipas bago marating ang JUDGEMENT DAY.



Ang mga katunggali sa politika ni REP. VARGAS ay kinokondena ito dahil sa halip na lutasin o ibalik ang pera ng mga taong nagsipagbigay ng pera para maging benepisaryo ng programang PALUPA AT PABAHAY ay dinededma lamang.., sa halip ay inililihis ang isyu sa paraang sinisiraan daw ang kumakandidatong si ROSE NONO-LIN na katunggali ng kaniyang kapatid na si QC COUNCILOR PATRICK VARGAS (kumakandidato ngayon bilang CONGRESSMAN at papalit sa kuya nito).

Sabagay, ang POLITICS ay ganiyan na yata ang mga estratehiya para mapagtakpan ang kanilang dungis sa naging panunungkulan.., na dapat maging sinsero ang mga GOVERNMENT AGENCY para mapanagot ang lahat ng mga nagsamantala sa panahon ng kanilang mga panunungkulan tulad sa mga nagsipaglustay ng pondo nitong kasagsagan ng pandemya!

— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.