Advertisers

Advertisers

Sablay na tambalan

0 348

Advertisers

UMINIT agad ang isyu ng tambalang ginawa ng Commission on Elections (Comelec) sa media entity na Rappler, dahil alam ng nakararami na malaki ang epekto nito sa kredibilidad ng paparating na halalan.

Lumutang agad ang nagpakilalang Warriors for Unity, Peaceful and Honest Elections na kinabibilangan ng mahigit 200 na dating mga opisyal ng pamahalaan at Sandatahang Lakas.

Para sa kanila, labag sa Saligang Batas ang nagawang pakikipagtambalan ng Comelec sa Rappler.



Di lamang ang grupong ito ang nabahala kung di maging ang ating Office of the Solicitor General (OSG) na itinuturing na ‘pangbansang abogado’ ng pamahalaan ay agad na naghain ng petisyon sa Kataastaasang Hukuman para ipawalang-bisa ang sablay na tambalan ng Comelec-Rappler.

Sa petisyong ito, inihayag ng OSG na hindi raw dapat payagan ang Rappler bilang pag-aari ng mga dayuhan na maki-alam sa darating na halalan.

“Every Filipino deserves and aspires for a free, orderly, honest, peaceful, and credible elections. However, these constitutional goals cannot be attained if the Comelec is allowed to continue its void and unconstitutional partnership with Rappler. The Rappler-COMELEC MOA must be declared null and void,” ang argumentong inihain ng OSG sa Korte Suprema sa katauhan ni Solicitor General Jose Calida.

Inilalagay nga naman sa panganib ang kredibilidad at integridad ng proseso ng ating halalan, ng sablay na tambalang ito, kasama na ang magiging desisyon ng sambayanan, o resulta ng halalan.

Ang aking kaibigang si Under Secretary Lorraine Badoy, taga-pagsalita ng NTF-ELCAC, ay nagpahayag na rin, na bukod daw sa pag-aari ng mga banyaga ang Rappler, nasa “bottom of the heap” o pinaka-mababang antas ng kredibilidad ang media entity na ito, base na rin sa inilabas na pag-aaral at survey ng Reuters Institute at ng University of Oxford, kasama ang ilan sa mga tabloid na diyaryo sa bansa.



Si Paul Gutierrez naman, na presidente ng National Press Club (NPC), isa sa pinaka-malaking organisasyon ng media sa bansa, at matagal ko nang kaibigan ay nagsabi rin, na sila mismo ay dumulog sa Comelec upang tulungang ito sa pagsasagawa ng malinis na halalan 2022. Ngunit “dinedma” lamang sila nito at nakipag-kasunduan na sa Rappler.

Ito lamang daw huli ay saka sila niligawan ni James Jimenez, taga-pagsalita ng Comelec na maaari din silang gumawa ng MoA.

“Para kaming biglang sinuhulan(nang umiinit na ang isyu ng sablay na tambalan). The question here is the credibility of Rappler,” ang sabi ni Gutierrez .

Upang malinawan ang lahat, sinabi ni Gutierrez na dapat ilabas sa publiko ng Comelec at Rappler ang nilalaman ng kanilang MoA upang maihayag mismo ng sambayanan kung papayagan nila ito.

Kayo, ano ang inyong palagay sa sablay na tambalang ito?