Advertisers

Advertisers

Sheryl nilaglag ni Jeric nang makipagrelasyon kay Rabiya?

0 311

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAMBUBUWISIT o nang-aasar lang marahil ang isang Senatorial aspirant sa pagsasabi nito na nakapag-record na siya ng isa sa favorite song ni Megastar Sharon Cuneta.
Pang-iinis pa ng Senatorial aspirant nagpaalam daw ito sa Viva at nag-record na ito ng kintrobersyal na kanta ni Sharon na ‘Sana’y Wala Nang Wakas.’ na mapakikinggan sa Spotify at iTunes.
Pinabulaanan naman ng kampo ng Viva na may ganun ngang ganap sa kanilang kumpanya at sagot lang ng taga-Viva ‘wala kaming alam’. Kaya inisip ng netizens ay nang-aasar lang ang Senatorial aspirant kay Sharon at mga fanatic. Pero pagmamalaki ng Senatorial aspirant na proud na siya ay Sharonian.
May kakaibang strength nga raw na pakiramdam ang Senatorial aspirant kapag umaawit si Mega.
Katunayan ay dalawa na ang nakanta ni Senatorial aspirant sa mga playlist ni Sharon at una na nga raw nitong kinanta ang ‘Ikaw’ nung namatay ang anak nito.
Samantala, binura na ni Megastar ang kanyang post sa socmed nung umalma ito sa pagkanta ni Senatorial aspirant sa kanyang awit na umani ng maraming komento at pangba-bash.
***
NUNG March 16 eh ipinakita at ibinahagi na nga ng Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kanilang larawan na magkasama sa Bohol ng bf na si Jeric Gonzales.
Pag-amin na nga raw ito ni Rabiya at di na nga siya napigil na ipost ang kanilang picture.
May mga larawan naman na nakatanaw silang dalawa sa tourist spot na Chocolate Hills.
Merong larawan na nakasuot sila ng vest at sa loob ng sasakyan na sweet.
Nagbigay caption at nag-message pa nga si Jeric ‘I Love You.’ na sinagot din ni Rabiya ng ‘iloveyou’ sa kanilang socmed.
Pero may mga Maritess na nag-iintriga na paano na raw si Sheryl Cruz ngayong umamin na sina Rabiya at Jeric? Naging sina Sheryl ba at Jeric? Hmmmp! Well, well, well…’Yun na!