Advertisers

Advertisers

Si Atty. Alex pa rin ang “bet” ng Uniteam

0 408

Advertisers

Our unity is our strength and diversity is our power. —Anonymous

NILINAW ng kampo ni Vice Presidentail bet Sara Duterte na si Manila Mayoral candidate Atty. Alex Lopez pa rin ang kanilang pambato ni Presidential candidate Bongbong Marcos o ng Uniteam sa Maynila.

Kaya hindi totoo ang ipinapakalat ng kampo ni “Daddy B” na s’ya ang ini-endorso ni Sara, fake news po yun mga katoto.



Binubudol lang kayo ng Kabakas!

***

TINIYAK ng Uniteam na iisa lamang ang kanilang pambato sa Maymila at ito ay si Atty Alex at ang kanyang mga kasama Konsehal.

Sa panig naman ni Atty. Lopez, welcome sa kanya ang anumang suporta mag-aangat sa kandidatura ni Sara, aniya “We appreciate all efforts to support Sara, as we have no candidate in 5th District of Manila.”

‘Yun naman pala!



***

WALANG kandidato Kongresista si Atty. Alex sa 5th District ng Maynila, kaya naman maliwanag na ang anak at hindi ang ama pala ang sinusuportahan ni Sara.

Kaya hindi dapat malito ang Manilenyo sa nangyayari sa politika sa Lungsod. Ang politika po ay addition at hindi substraction.

‘Yan po ang reality in politics!

INLAND HAULERS AND TRUCKING
ASSOCIATION ALL OUT KAY ATTY.ALEX!

SAMANTALA, padami nang padami ang nagpapakita nang suporta kay Manila Mayoral candidate Atty. Alex Lopez.

Resulta ito ng malinaw na programa iniaalok ng grupo ni Atty. Alex at kanyang ka-tandem na si Raymond Bagatsing sa Manileno.

Makataong pagbabago ang handog sa Manileno!

***

BUKOD sa mga dati at incumbent na Congressman ng Maynila, nariyan rin ang mga malalaking negosyante nagtitiwala sa kanyang kakayahan na magkakaroon ng maayos na pamamahala sa Manila city hall.

Nariyan ang Inland Haulers and Trucking Association na binubuo ng mga negosyante nakabase sa Maynila.

Si Atty. Alex lang sakalam!

***

HALOS lahat ng caucus na pinuntahan ni Atty. Alex ay dinudumog ng maraming Manilenyo na nagpapakita ng maigting na suporta sa kanyang kandidatura.

Kaya abangan ninyo sa inyong barangay ang pagpunta ng grupo ni Atty. Alex sa inyong lugar.

Thank you mga katoto!

***

HINDI matatawaran na marami nang nag-switch kay Atty. Alex na naniniwala magkakapagbigay nang maayos na serbisyo sa mga Manileno, kumpara kay outgoing Vice Mayor Honey Lacuna.

Ang kailangan ng Manilenyo ay isang builder, ekonomista at hindi dermatolohista na magreresolba sa pagka-bangkarote ng Maynila.

Switch to Alex Lopez na kayo!

BASECO SOLIDO KAY ALEX LOPEZ!

TAGUMPAY ang isinagawang medical services na hatid ng BBM-Sara Uniteam supporters at inorganisa ni Manila Mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa Gawad Kalinga community sa Baseco compound nitong Sabado.

Libreng X-ray, ECG, blood test at medical check-up sa mga residente ng Baseco ang ipinagkaloob ng grupo ni Atty. Alex na ikinasiya ng mga residente doon.

‘Da best ka talaga Atty Alex!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)