Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MASAYA ang ginawang pag-aanunsyo ni Angelica Panganiban ng kanyang pagbubuntis sa baby nito courtesy of non-showbiz boyfriend Greg Homan.
Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account pagkatapos na ipakita niya ang sonogram ng kanyang dinadala sa sinapupunan.
Hindi naman magkamayaw sa pagbati ang kanyang mga kaibigan na tuwang-tuwa sa kanyang kundisyon.
Nagbigay ng congratulatory messages sa kanya sina Marian Rivera, Janine Gutierrez, Iza Calzado, Mariel Padilla, Maja Salvador, KC Concepcion, Camille Prats, Jolina Magdangal at marami pang iba.
Humingi rin ng pregnancy tips si Angge kay Marian sa kanyang ipinagbubuntis.
“OMG!!!!! finally secret is out!!!! super happy for you momsy!!!! I love you so much! You deserve every blessing na natatanggap mo ngayon,” komento ng Chinita Princess na si Kim Chiu.
Sey ng isa pa niyang kaibigang si Bea Alonzo, “ayan na!”
Komento naman ng isa pang best friend ni Angelica na si Bela Padilla, “ang bebeki.”
Hirit naman ng isa pa niyang bff na si Glaiza de Castro: “Excited na akong maka hipbamnanh bagong bataaaahh! =>r
Obviously, tulad ni Kim ay nauna na nilang nalaman ang kalagayan ni Angelica. Reaksyon naman ni Pooh: “yan na!!!!!! Hindi ka pala talaga bakla!! Babae ka nga!!! =O=O=O=OÜd’d’d’d’d’’
Magiliw naman ang naging sagot ni Angelica na:“@pooh_tik kinagulat ko din”
Humirit pa si Angge na : “May matres ako mga baklaaah!” na bahagi ng kanyang announcement